Connect with us

Stories

Umabot ng P77,000 ang Cash Gift ng Isang Bata Dahil sa Pag-Iimpok na Ginawa ng Kanyang mga Magulang sa Tuwing May Nagbibigay ng Pera na Para sa Kanilang Anak

Tunay ngang marami sa atin ang nahihirapan na pumili ng maari nating iregalo sa isang bata, ito man ay ating anak, pamangkin, o inaanak. Ito ay dahil sa kadahilanan ngang hindi naman natin nababatid kung ano nga ba ang talagang nais nilang matanggap, kaya naman imbis na regalo, ay pera o “cash gift” na lamang ang iniaabot natin sa kanila.

Kapag “cash gift” nga naman ang natanggap ng isang bata, ay maari niya itong gamitin sa pagbili ng mga bagay na kanyang nagugustuhan, o kung hindi man, ay ang mga magulang niya ang bibili ng kanyang mga kagamitan.

Ngunit batid natin sa totoong buhay, na kapag ang isang bata ay nakakatanggap ng “cash gift” mula sa kanilang mga tito, tita, lolo, lola, ninong at ninang, ay hindi naman lahat ng ito ay napupunta sa kanila. Dahil kahit pa nga na sabihin ng mga magulang, na itatago nila ang perang nalikom ng kanilang anak, ay dumarating talaga sa punto na ito’y kanilang nagagamit pang-gastos sa mga pangangailangan ng pamilya.

Samantala, nito lamang nga nakaraan, ay isang nakaka-inspire na story ng isang magulang ang naging viral onlie, ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account, na mula pa sanggol ang kanilang anak ay talagang iniimpok na nila ang “cash gift” na natatanggap nito.

Jarlo Manalad | Facebook

At kahit nga halos magta-tatlong taong gulang pa lamang ang kanilang anak ay umabot na umano sa P77,000 ang pera nito, na mula sa mga “cash gift” na ibinibigay dito.

Ayon nga sa ama ng bata na nakilalang si Jarlo Manalad, ay talagang hindi nila pinakiki-alaman ang perang ibinigay sa kanilang anak noong binyag, birthday o napamaskuhan nito, dahil para sa kanila ay pera ito ng kanilang anak.At pagdating umano sa mga personal na pangangailangan ng kanilang anak, o mga naging gastusin sa mga naging birthday na nito, o di kaya naman ay noong binyag, ay hindi nila ito ginalaw o binawasan man lang, dahil sa bilang magulang nito, ay responsibilidad nila na maglaan mula sa sarili nilang pera ang mga ganoong bagay.

“Mag 3-years old pa lang ung bata… May ipon na siyang 77k. Salamat sa lahat ng kamag-anak, ninong, ninang, family, friends na nagmamahal sa bata”, ang una ngang sabi ni Jarlo sa kanyang naging post.

“Lahat po ng binibigay niyo sa bata, mula bininyagan siya ay para po sa kanya. Wala po kaming binulsang mag-asawa. Wala kaming pinantapal sa expenses niya gaya ng ginastos sa binyag at 1st birthday niya. Hanggang sa huling sentimo sa bata po iyan. At lahat po ng ibibigay niyo ay idadagdag po dyan.”

Jarlo Manalad | Facebook

Dagdag pa nga ng ama, tuwing sumasahod rin silang mag-asawa, ay naglalaan sila ng halaga para sa future ng kanilang anak, ngunit ito ay hindi naman ganun kalakihan.
Payo naman ni Jarlo, nawa ay tularan ng mga magulang ang ginawa nilang pag-iimpok ng cash gift ng kanilang anak.

“Sana gawin din ito ng mga magiging magulang. Lahat ng expenses niya ay dapat nating itaguyod at lahat ng bigay sa bata ay para sa bata”, payo nga ng naturang ama.

Maraming mga netizens nga ang humanga sa mag-asawa sa ginawa nilang pag-iimpok ng mga natatanggap na cash gift ng kanilang anak, at hindi pag-gastos nito., at ang iba naman ay napa-Sana all.

error: Content is protected !!