Tinanggap ni Ara Mina ang Marriage Proposal ng kaniyang boyfriend na si Dave Almarinez

Isa sa mga kaabang-abang na kaganapan sa dalawang tao na nagmamahalan ay ang pag-propose ng lalaki sa kanyang minamahal. Ito ay isang senyales upang makasama at makatuwang mo ang taong mahal mo habang buhay at tuluyan na kayong bumuo ng sarili niyong pamilya. Ang kaganapan na ito ay nangyari kahapon lamang Enero 12 sa San Pedro, Laguna.


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina

Ito din ay isa sa mga pangarap ng kahit sinumang babae sa buong mundo at isa din itong malaking pagsubok sa bagong yugto ng kanilang buhay at pagsasama. Tulad na lamang ng matagal nang magkarelasyon na sina Ara Mina at Dave Almarinez dahil nito lamang nakaraang araw ay tuluyan nang hiningi ni Dave ang kamay ng nag-iisang Ara Mina.


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina

Ang opisyal na naging photographer ng kaganapan na iyon ay ang Nice Print Photography na kung saan sila din mismo ang nagpost sa kanilang social media account ng mga litrato na naganap sa mismong proposal.


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina

Madami sa mga netizens ang napahanga at kinilig sa ginawa na ito ni Dave dahil makikita naman kung gaano ang ipinakita niyang effort para makuha ang matamis na “OO” ni Ara Mina. Marami sa mga tao ang nagtatanong sino nga ba si Dave?


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina

Siya ay kasalukuyang CEO ng Philippine International Trading Corporation at naging tagapagsilbi din sa lalawigan ng Laguna bilang isang Board Member.

Makikita sa mga litrato na ibinahagi ng Nice Print Photography sa social media account ang eksena na kung saan lumuhod na si Dave sa harap ni Ara habang binubuksan niya ang kahon na may lamang singsing.


Image courtesy: Niceprintphoto/Facebook & Ara Mina

Maliban dito makikita mo ang hindi mapantayang saya sa mukha ni Ara habang ginagawa ito ni Dave na kung saan hindi niya napigilan ang sarili na mapaluha.

Sa isang litrato naman makikita na pagkatapos ni Dave isuot ang singsing sa daliri ni Ara ay nagyakapan sila at ito ang sensyales na talagang opisyal na ang dalawa at handa na silang magsama habang buhay.


Image courtesy: Ara Mina/Instagram

Sadyang napakasaya at nakakatunaw ng puso ang mga kaganapang ito. Hindi magkandamayaw ang mga netizens at kapwa artista ni Ara sa nangyari na ito kaya marami ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa dalawang taong nagmamahalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *