Ryza Cenon, planong magfocus at maging hands-on lamang na ina sa kaniyang baby na si Knight

Ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking biyaya galing sa taas. Hindi alintana ng isang ina ang hirap na kaniyang nararanasan sa pagbubuntis maisilang at makita lang na malusog ang kanyang anak.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Ano mang balakid ay kakayanin at lahat ng maganda para sa ikabubuti ng anak ay gagawin at ibibigay. Ang kasiyahan ng isang magulang ay walang kapantay sa pagkakaroon ng anak. Hindi pa naisisilang yan ay marami ng pinaplano ang magulang para sa kanyang anak.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Katulad na lamang ng kilala at sikat na artista na si Ryza Cenon. Isang inang nangako sa anak na gagawin ang lahat at pipiliin na maging isang hands-on na ina sa kanyang anak na si Knight.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Makikita at mababasa sa kanyang Instagram ang nakakaaliw na post na nagpapakita ng kanyang kagalakan. Ayon sa artista, hindi madali ang maging ina, puno ng mga pagsubok pero mas nangingibabaw ang kagalakan at pagmamahal.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Nagpapasalamat si Ryza sa pagsilang niya sa kaniyang unang baby dahil sa mga naranasan nito. Sinabi ni Ryza na hindi madali ang kaniyang mga naranasan pero kapalit nito ay ang sobrang saya dahil nakakarga na niya ang kanyang anak.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Hindi pa sanay si Ryza sa mga dapat gawin bilang isang ina pero gagawin niya ang lahat para matuto na maging isang mommy kay Knight. Ipinahayag din ni Ryza kung gaano niya kamahal ang kanyang anak.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Ipinangako niya na palagi siyang nasa tabi nito kahit nasaan at ano pa man ang maging plano nito sa buhay. Sinabi rin niya sa kanyang anak na mahal na mahal niya ito sila ng kaniyang asawa.

Dahil sa mga napapanahon ngayon at mga nakikita nating mga kabataan na nalululong hindi sa masamang bisyo kundi sa paggamit ng mga gadgets, ay ipinangako ni Ryza sa kanyang anak na si Knight na ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras sa pag-aalaga dito at makikipaglaro siya kay Knight upang hindi ito lumaking suplado.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Hindi na makapaghintay si Ryza na makitang makapaglakad si Knight upang maituro niya dito ang totoong laro na hindi makikita sa laptop at cellphone.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube

Meron ding maliit na sulatan si Ryza na kung saan ay sinusulat niya dito ang mahahalagang bagay na nangyayari sa kaniyang anak, tulad na lamang ng pagtulog sa gabi, breastfeeding, at maging ang bottle-feeding sessions nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *