Matatandaan na noong taong 2010 ay nagkaroon ng relasyon ang aktres na si Meryll Soriano at Joem Bascon, ngunit matapos lamang ang isang taon ay naghiwalay na ang dalawa. Pagsapit naman ng taong 2019, ay muling nagtagpo ang landas nina Meryll at Joem matapos magkasama sa trabaho sa proyektong Culion para Metro Manila Film Festival (MMFF). At dito na nga nagsimulang umugong ang muling pagkakamabutihan at pagbabalikan ng dalawa. At kamakailan lamang, ay nakitang kasama si Joem ng pamilya ni Meryll nang magdiwang ng bagong taon.
Isang linggo na nga ang nakalipas nang ibunyag ng anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano, na nagkabalikan na sila ni Joem. At kasabay nga nito, ay ang paglalantad rin ni Meryll ng pagkakaroon nila ng anak ni Joem.
Nitong ika-8 ng Enero, ay ibinahagi ni Meryll ang kanyang karanasan sa pagsilang ng isang sanggol sa edad na 38. Sa isang Instagram post, ay inilarawan nga ng aktres ang kanyang pinagdaanan bilang “risky and difficult” kung saan ay naglabor siya ng 10 oras bago mailabas ang masulog niyang anak na may timbang na 7 lbs sa pamamagitan ng normal delivery.
Ibinahagi rin ni Meryll na may Gestational Diabetes siya noong nagbubuntis. Dahil nga dito, ay hindi naging madali ang lahat para sa kanya kung saan ay kailangan niyang sumailalim sa mga test, gamutan at matinding pag-iingat sa pagkain ng matatamis upang huwag ng lumala pa ang kanyang diabetes.
“At 38, my doctor told me that it’s risky and difficult. I had anxiety over this on the latter part of my pregnancy. I also acquired Gestational Diabetes (GDM) on my 6-7 month of my pregnancy. Which meant 4 x a day of glucose tests, 4 x a day of insulin shots and nth goodbyes to donuts, chocolates and cakes until I give birth. So, I worked out 4-5 x a week, healthy food intake and baby yoga as much as I could.”
Ngunit, maliban dito ay isa rin sa nagpahirap sa kanya ang kanyang edad. Sa kabila nga ng lahat ng hirap na kanyang naranasan, ay naging matatag at ginawa ang lahat ng kanyang makakaya. Kaya naman, labis ang kanyang kaligayahan dahil malusog ang kanyang anak at ligtas niya itong naisilang.
“It was hard work and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done. Voila! I made it. I did it! I am so proud to have a healthy pregnancy and safe delivery.”
Samantala, pinasalamatan naman ni Meryll si Joem, sa pagiging isang mabuti at responsableng partner na palaging nkasuporta sa kanya. Maging ang doktor at kanyang pamilya na naging kaagapay niya, ay malugod ring pinasalamatan ni Meryll.
“But, I couldn’t have done it without Dud. He helped me stay on track. He stopped buying Cloud 9 and HawHaw. He did [the] pregnant workout with me. And, there are no words to explain the taking-care-of-me part. He’s the best. Thank you so much, Dud. Special thanks to my rockstar OB. She has been my doctor since even before I got pregnant with Eli. I can’t thank her enough. Thank you to all the doctors and nurses that took care us while we were in MMC. We are the happiest to get to share this experience to our parents and family. Family is everything. And, to Kuya Eli, who has been secretly wishing for a brother since he was 10. Bless his heart.”