Pinag-aral at napagtapos ni Vice Ganda ang kaniyang dalawang kasambahay sa Kolehiyo

Kung iyong naririnig ang mga katagang sinasabi ng iyong mga magulang na, “Mag-aral kayo ng mabuti, dahil yan lamang ang kaya naming ipamana sa inyo.” Dahil para sa mga magulang at nakararami, Malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa buhay ng bawat tao.

Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Kaya naman, kahit anong hirap, pagsubok at balakid ay ginagawa ng ating mga magulang ang kanilang tungkulin para mapag-aral ang kanilang mga anak.

Kung hindi na talaga kaya ng mga magulang ay maraming paraan para tuluyang makapag-aral, isa na dito ang pagkuha ng scholarship at pangalawa maging isang school girl o school boy.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Hindi lang iyan, dahil sa kabila ng lahat ay maraming tao parin ang may mabubuting puso na handang tumulong sa kapwa nila para matulungang mabigyan ng magandang buhay sa pamamagitan ng pagpapaaral sa mga ito.

Katulad na lamang sa nakakaantig at nakakaproud na ginawa ni Vice Ganda para sa kanyang mga kasambahay. Hindi lamang sa mga contestant sa mga programa ang kanyang naabutan ng tulong.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Kundi pati narin ang kanyang dalawang kasambahay na pinag-aral niya hanggang kolehiyo. Ang mga nasabing masusuwerting kasambahay ay sina Jacquelyn Guerrero at Lalaine Freo.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Si Jacquelyn Guerrero ay 27 taong gulang, samantalang si Lalaine Freo ay 22 taong gulang. Namasukan sila bilang isang kasambahay kay Vice Ganda noong taong 2012.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Dahil sa ninanais at pinapangarap na makapag-aral at makapagtapos, ay lakas loob silang nagpaalam kay Vice na kung maaari ay payagan silang mag-aral habang nagsisilbi dito.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Dahil dito, hindi lamang sila pinayagang makapag-aral bagkus ay binigyan pa sila ng pagkakataong matulungan ng Unkabogable Vice Ganda.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Dahil din sa sipag, tiyaga, at determinasyon nina Jacquelyn Guerrero at Lalaine Freo ay nagbunga ang kanilang mga paghihirap. Sa ngayon ay nakapagtapos na ang dalawa sa kolehiyo sa STI. Totoo nga ang kasabihang, “Kapag may tiyaga, may nilaga.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *