Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey, nagbigayan ng matatamis na mensahe sa isa’t isa sa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan

Sabi nga nila, ang pag-ibig, walang pinipili. Hindi tinitingnan ang pisikal na kaanyuan, kasi ang mahalaga,ang nararamdaman niyo sa isa’t isa. Hindi nagpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Ang tunay na pagmamahalan ay hindi nasusukat sa haba o tagal ng pagsasama.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng pag-intindi niyo sa isa’t isa, pagkakaroon ng tiwala, parehong pinagpaplanuhan ang kinabukasan at pinaparamdam sa araw-araw kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa kahit sa simpleng paraan lamang.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Katulad na lamang ng magkasintahang sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey na kung saan ay tanging matatamis na salita ang naibahagi sa isa’t-isa sa pagdiriwang ng dalawa sa kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taon ng pagmamahalan noong Disyembre 31 kasabay ng pagsalubong sa bagong taon na may pagmamahalan.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Pia na kung saan ay magkasama silang dalawa sa dalampasigan at makikita ang magandang paglubog ng araw. Ibinahagi ni Pia kung gaano siya nagpapasalamat sa pagkakaroon ng nag-iisang Jeremy Jauncey sa kanyang buhay.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Ang tanging hiling lamang ng aktres ay ang magkaroon pa silang dalawa ng higit pang maraming taon ng pagsasama, pakikipagsapalaran, tawanan at kainan.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Hindi naman nagpahuli ang kanyang kasintahan sa isang mahalagang kaganapan sa kanilang relasyon. Dahil nagpost din sa kaniyang Instagram account si Jeremy Jauncey na sobrang nagpapasalamat siya kay Pia sa suporta nito at sa ibinibigay na pagmamahal.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Sinabi ni Jeremy na sa kabila ng kanilang mga naputol na pag-uusap, tawanan, biruan sa isa’t isa at sa kabila ng mga planong hindi nagawa o nangyari sa taong 2020, ay kakayanin at gagawin niya pa ring maging masaya at may pananalig sa mga posibleng mangyari at dumating sa kanilang relasyon ngayong 2021.


Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram

Saad pa ni Jeremy na marami mang naging pagsubok ang dumating sa kanila, ito ang naging daan at nagturo sa kanila upang maging mas malapit sa isa’t isa at mas lalo pang maging matalino sa mga desiyon nila sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *