Connect with us

Stories

Nagpaantig sa Puso ng mga Netizens ang Isang Lolo na Mag-isang Nag-celebrate ng Kaniyang Kaarawan

Ang kaarawan ay dinaraos kasama ang ating mga mahal sa buhay. Sa pagdiriwang na ito nagiging masaya tayo dahil may mga taong nagmamahal sa atin na sinasamahan tayo.




Ngunit nakakalungkot rin talaga sa kabilang banda na may mga taong nakararanas ng pag-iisa sa buhay. Kagaya na lamang ng kwento ng isang lolo na mag-isang nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa isang fast food chain.

Ang kwento ng lolong ito ay ibinahagi ni Trixie Ann Eras Manuel sa kaniyang facebook account. Ayon sa kaniya nakita niya sa isang fast food chain ang lolo na nag-celebrate mag-isa ng kaniyang kaarawan. Nakita niya itong umorder ng pagkain at may dala pa itong cake para sa kaniyang kaarawan ngunit wala man lang siyang bisita kahit kamag-anak o kaibigan lamang.

Dagdag pa ni Trixie, sa tanang buhay niya ngayon lamang siya nakakita ng taong nag-celebrate mag-isa ng kaniyang kaarawan. Napag-alaman pa ni Trixie na ika-69 birthday pala ito ng lolo at nakipag-video call pa ito sa kaniyang pamilya na nasa malayo upang maipakita lamang ang kaniyang naging selebrasyon.

Ayon pa kay Trixie, “Para sa iyo Tatay nawa’y bigyan ka pa ng panginoon ng lakas para sa mga pagsubok na haharapin mo pa sa buhay.” Nakaramdam ng kalungkutan si Trixie nang nakita niyang ipinapakita ng lolo ang kaniyang mga handa sa pamamagitan lamang ng video call.




Kaya ang mga netizens din na nakakita ng mga post ni Trixie ay naantig din ang kanilang mga puso. Sino nga ba naman ang hindi malulungkot kung mag-isa lang nagce-celebrate ng kaarawan.

“Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko.

Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi.. Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika-69 taon ng mag-isa at walang kasama.” Ito ang kabuuang post ni Trixie na nagpaantig ng puso ng maraming netizens.

Dagdag pa ni Trixie sa kaniyang post na sana bigyan pa ng sapat na lakas ang lolo para mahaba-haba pa niyang haharapin ang mga pagsubok sa buhay at nawa’y pagpalain ito.

Sa kabila ng kaniyang pag-iisa hindi naging hadlang ito upang maging malungkot siya sa kaniyang kaarawan, dahil nakikita pa rin sa kaniyang mukha ang kasiyahan na kahit malayo man ang kaniyang pamilya ay nagawa niya pa ring makipag-celebrate dito kahit gamit lang ang kaniyang cellphone.




May mga netizens din na nagkomento na kilala nila si lolo. Ito ang kaniyang mga naging kapitbahay, ayon sa kanilan mahilig daw sa Zumba si lolo at kaya rin pala mag-isa siya ay dahil nasa ibang bansa ang kaniyang pamilya.

Nawa’y manatili lamang ng masaya si lolo kahit siya ay mag-isa, magtiwala lamang sa panginoong maykapal na lagi siyang andyan upang may kasama pa rin siya sa habang-buhay.




error: Content is protected !!