Nagbigay ng napakahalagang mensahe si Andi Eigenmann para sa kaniyang panganay na anak na si Ellie

Ika nga, walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina. Ano mang laban at pagsubok natin sa buhay ay nariyan ang ating inang nagbibigay sa atin ng lakas, determinasyon, pag-asa at ugaling huwag sumuko.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Mga inang handang ibigay at isakripisyo ang lahat para sa magandang kinabukasan ng bawat anak. Hindi lamang nagsisilbing ina at ilaw ng tahanan bagkus sila rin ay nagsisilbing ating kaibigan.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Kabilang na rito ang nag-iisang Andi Eigenmann na kaniyang ipinabatid sa pamamagitan ng isang post sa kaniyang Instagram account ang napakatamis na mensahe para sa kaniyang anak na si Ellie.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Saad niya sa kanyang post kung gaano siya kasaya at nagpapasalamat sa kaniyang panganay na anak na siyang naging daan upang siya ay maging isang mabuting ina.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Sinabi rin ng aktres na sobrang ipinagmamalaki niya ang kaniyang anak na si Ellie. Dagdag pa ng aktres na hindi man katulad na ni Lilo ang nais o gustong paraan ng pag-aalaga at pangangailangan ni Ellie ay gagawin niya parin ang lahat ng kaniyang makakaya sa ibang paraan na kakailanganin siya ni Ellie.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Ipinangako naman ni Andi na habang nabubuhay at kasama siya ng kaniyang mga anak ay gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para masigurong maibibigay sa kaniyang mga anak ang lahat ng mga pangangailangan nito.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Para sa kaniya, bilang isang ina sa kaniyang mga anak ay ito ang kaniyang tungkulin na dapat niyang gawin at gampanan.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Ipinanganak ni Andi Eigenmann si Adrianna Gabrielle Eigenmann “Ellie” noong Nobyembre 23, 2011 sa pamamagitan ng Caesarean section.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Si Ellie ay anak ni Andi kay Jake Ejercito anak ng dating Presidente na si Joseph Estrada na noong taong 2014 ay nagkahiwalay din ang dalawa.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Sa ngayon ay masaya na sa kaniyang buhay pag-ibig si Andi dahil siya ay engaged na sa kaniyang kasintahang si Philmar Alipayo at ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nabiyayaan ng dalawang anak.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Isa si Andi Eigenmann sa mga taong sinusubaybayan ng mga netizens dahil sa kaniyang magandang kwento ng buhay at pag-ibig na kapupulutan mo ng magagandang bagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *