Nagbahagi ng litrato si Kris Aquino na kasa-kasama ng kaniyang anak na si Bimby sa isang dinner ang aktor na si Derek Ramsay

Sa dami nating kaibigan na nakilala sa ating buhay hindi maiwasan ang magkaroon man lang ng kaunting salo-salo. Ito ay ginagawa ng karamihan upang maparamdam na kahit sobrang busy na ng bawat isa sa mga trabaho ay hindi pa din nila nalilimutan ang kanilang pagkakaibigan.


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Ngunit hindi din maiwasan na magkaroon ng aberya sa araw mismo ng inyong pagsasama kung kaya gumagawa na lang din ng paraan upang maisakatuparan ang bagay na dapat ninyong gawin.


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Tulad na lamang ng pangyayari sa dalawang magkaibigan na sina Kris at Derek Ramsay. Biglaan na inatake si Kris ng kaniyang karamdaman sa araw mismo kung kailan dapat sila ay pupunta sa tahanan ng Ramsay Family upang makipag-dinner.


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Ang kaganapang ito ay ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang social media account na kung saan sinaad niya ang dahilan ng biglang pagcancel ng kanilang pagbisita kina Derek.


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Saad ni Kris na hindi lang dapat si Derek ang kasama nila sa isang hapunan kundi ang buong pamilya Ramsay ngunit hindi niya aakalain na magkakaroon siya ng hindi inaasahang karamdaman kung kaya hindi ito natuloy.


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Dahil sa matalik na pagkakaibigan nina Kris at Derek ay tanging si Bimby na lamang ang pumunta sa family dinner ng Ramsay Family upang isakatuparan ang naudlot nilang usapan.


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Kasama sa post na ito ang mga litrato nina Bimby at Derek na magkasama at masayang nagkaroon ng bonding.  Pinasalamatan ni Kris si Derek sa pagwelcome nito sa kanilang bahay at nagpapasalamat din siya sa matagal nilang pagiging magkaibigan na higit na pala 16 na taon.


Image courtesy: Kris Aquino/Instagram

Dito mo mapapatunayan na kahit minsan ay hindi masama na kamustahin mo ang mga naging kaibigan mo ngunit sa ngayon ay mahirap magkaroon ng kahit konting salo salo dahil sa pandemyang ating kinakaharap at kailangan natin mag doble ingat para din sa ikakabuti ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *