Connect with us

Showbiz

Meryll Soriano Ibinahagi ang Muling Pagbabalikan Nila ni Joem Bascon na may Kasamang Sanggol

Kilala natin si Meryll Soriano bilang anak ng TV host na si Willie Revillame sa kapatid ni Maricel Soriano. Hindi nagkaroon ng magandang pagsasama ang kaniyang mga magulang. Siya ay ikinasal sa artistang si Bernard Palanca at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki.




Ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama, kaya noong taong 2015 sila ay nagkahiwalay din. Kaya mag-isang itinaguyod ni Meryll ang kaniyang anak sa tulong na rin ng kaniyang pamilya lalong-lalo na ang kaniyang ama.

Kaya ngayong taong 2021, ibinahagi ni Meryll ang isang larawan na kasama ang kaniyang pamilya na pinost niya sa kaniyang Instagram. Sa larawang ito, kasama ni Meryll ang kaniyang anak na si Elijah at ang dati niyang kasintahan na si Joem Bascon na nagdiwang ng bagong taon.

Dahil sa larawang pinost ni Meryll, hindi naging kaila ang muling pagbabalikan nila ng aktor na si Joem Bascon. Sa larawang ding ito makikita na may karga-karga siyang isang sanggol.

“May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!” ayon sa post ni Meryll sa kaniyang Instagram.

Dahil dito marami ang nagulat at nagtataka sa ibinahaging niyang larawan. Sa pagsisimula pala ng bagong taon, sa isa din niyang post sa Instagram ay ipinakita na ni Meryll ang isang larawan na may paa ng isang bagong silang na sanggol. Marahil marami sa kanilang mga fans ang nagtataka kung sino ang sanggol na iyon.




Noong 2008, napabalitang unang naging magkarelasyon ang dalawa nung magkasama sila sa teleseryeng “I Love Betty La Fea’. Ngunit matapos ang mahigit isang taon nilang pagsasama, kinumpirma ni Joem na sila ay hiwalay na ni Meryll.

Ayon sa mga usap-usapan, muling nagkabalikan ang dalawa noong Enero taong 2020. Dahil sa teleseryeng ‘Starla’ sila ay muling nagkasama at nagkamabutihan.

Nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa usap-usapan ng kanilang napapabalita ngayong muling pagbabalikan. May kasabihan ngang, ‘Love is sweeter in a second time around’ naniniwala pa rin sila sa ikalawang pagkakataon.




error: Content is protected !!