“Matagal na Niya Tong Pangarap” Melai, Sinorpresa ang Asawang si Jason ng Bagong Sasakyan

Para kay Melai, ay deserve ng kanyang asawang si Jason Francisco, ang mabigyan ng regalo, dahil sa pagiging isang mabuti at responsable nitong Padre de Pamilya. Kaya naman, isang bagong sasakyan ang kanyang naisipan na iregalo dito.




Hindi nga lamang ito, kung ano-anong modelo ng sasakyan, dahil ayon kay Melai, ang sasakyan na ito, ang isa sa mga pangarap na sasakyan ng asawang si Jason, kaya paniguradong magiging masay ito.
Sa bagong vlog na ibinahagi ng ‘Magandang Buhay” host, ay ibinahagi ni Melai, ang naging kaganapan sa kanyang ginawang pagsorpresa sa asawang si Jason.

Sinimulan ngang gawin ni Melai, ang kanyang vlog, habang sila ay nasa byahe ni Jason, papunta sa clinic ni Dra. Vicki Belo. Habang nasa byahe, ay tinanong ng 32-taong gulang na si Melai, si Jason kung ano nga ba ang gusto nitong matanggap na regalo para sa Pasko.

Una ngang naging sagot ni Jason kay Melai, ay aso ang nais nito na matanggap na regalo.
“Small na aso, medium na aso at large na aso”, saad ni Jason.

Sinabi naman ni Jason, na hindi talaga niya gusto na siya’y nireregaluhan, mas gusto pa umano niya na siya ang nagbibigay ng regalo sa mga taong mahal niya.
“Gusto ko ako ang nagbibigay ng gift, ‘di ako ang binibigyan”, ani Jason.




Matapos ngang ihatid si Melai sa clinic ni Dra. Vicki Belo, ay agad ng umuwi si Jason sa kanilang bahay. Buong pag-aakala ng niya ay nasa Belo lang ang misis niyang si Melai, ang hindi niya alam, ay inaasikaso na nito ang lahat ng kailangan, at binili na ang kayang pangarap na sasakyan.

Samantala, ng i-abot na ni Melai sa kanyang asawa ang susi ng bagong sasakyan na regalo niya rito, ay sinabi niya na ito talaga ang matagal ng pangarap na sasakyan ni Jason, at ang kulay na kanyang pinili ay “best” para sa asawa.

“Matagal na niya ‘tong pinapangarap at ang color na ‘to ay the best for him so I’m sure na magugustuhan niya ‘to”, saad ni Melai.

Ayon naman kay Jason, ay natunugan na niya noon pa na bibigyan siya ng sasakyan ni Melai, ngunit ito ay hindi niya pa talaga nasisigurado noon.

Nang tanungin naman ni Melai ang kanyang mister kung ano ang nararamdaman nito ng matanggap ang regalong pangarap niya na ibinigay sa kanya, ay ito ang tanging sinabi ni Jason.

“Wala akong masabi”, ani Jason.

“Kaya pala si Ate Lulu kunwari kinukuhaan ng video ‘yung daga. Kaya ako nagtataka bakit nakaharap sa akin ‘yung camera”, dagdag na saad pa nito.




Biniro naman ni Melai ang asawa ng sabihin niya rito na;
“Kung alam mo [lang]…. Babayaran mo yan monthly”, biro ni Melai.

Ilang mga netizens naman ang nakapansin na tila walang gaanong reaksiyon si Jason sa regalong natanggap mula sa asawa. Agad namang dinepensahan ni Melai, ang kanyang asawa patungkol dito.

“True blooded MelasonFans, kilala nyo po si Jason at alam nyong ganyan siya. ‘Wag nyo na po hanapin ‘yung pang camera na reaction na surprise hehe. Na surprise naman talaga sya at masayang masaya”, pahayag ni Melai.

Ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco ay unang nag-krus ang landas ng sila ay parehong maging housemate’s ng “Pinoy Big Brother” noong taong 2009. Sa nasabing programa din nagsimula ang magandang samahan at pagtitinginan nilang dalawa.

Sila ay ikinasal taong 2013, at sa pitong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ay nabiyayaan na sila ng dalawang anak na puro mga babae.