Masayang ipinakilala na ni Joem Bascon sa kaniyang pamilya ang kanilang anak ni Meryll

Alam naman natin na isa sa mga pinakamasaya na kaganapan sa buhay ng isang tao ay ang makasama ang taong mahal niya. Ngunit hindi lang sapat ang makasama sapagkat ang isa sa mga mahalagang bagay na dapat na meron ang isang relasyon ay kilala at tanggap ang inyong pagsasama ng bawat pamilya na kinabibilangan.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Ganap na tuwa lalo ang mararamdaman kung ang inyong pag-iibigan din ay magkaroon na ng bunga na kung saan hindi ka na nahihiya sa iyong sariling pamilya na meron ka ng pamilya na dapat mo ng pangalagaan at bantayan.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Tulad na lamang ng dalawang artista na sina Joem Basco at Meryll Soriano na pinaglayo man ng panahon ngunit sila pa din ang itinadhana sa huli.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Biniyayaan ang dalawa ng isang napakacute na baby na kung saan kamakailan lamang ay ipinakilala na ni Joem Bascon sa kanyang mga magulang. Makikita ang napakagandang mga pangyayari na ito sa social media mismo ng aktres na kung saan mapapansin natin ang mga hindi magkandamayaw na mga ngiti ng magulang ni Joem.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Tulad na lang din ng ngiti nina Meryll at Joem, hindi mapantayan ang kanilang saya na sa wakas silang dalawa ay isang ganap na pamilya simula ng lumabas ang kanilang anak.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Sa post na ito makikita din ang abot tengang ngiti ng pamilyang Bascon habang karga ng mga magulang ni Joem ang anak nilang dalawa ni Meryll sa isang Family Photo.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Kasalukuyang hindi pa magawa ng mga netizens na batiin ang dalawa sa kanilang mga social media account sa dahilan na ito ay naka-disable ang comment section. Sa ngayon din ay hindi pa din naibabahagi ang pangalan na ibinigay ng dalawa sa kanilang napakyut na anak.


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram


Image courtesy: Meryll Soriano/Instagram

Pero makikita naman sa post ni Meryll na ang kanilang anak ni Joem ay nasa mabuting kalagayan kahit na merong dalang panganib ang kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang edad. Wala ng mas sasaya pa sa oras na makita mo ang pamilya mo na masaya sila para sayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *