Markus Paterson, Ibinunyag na sa Publiko ang Dahilan Kung Bakit Kinailangan Nilang Itago sa Lahat ang Pagbubuntis Ni Janella

Matagal na naging bulung-bulungan at pinag-usapan ng publiko ang di umanoy pagbubuntis ng aktres na si Janella Salvador, dahil sa hindi na nga ito nasilayan pa sa telebisyon ng halos ilang buwan.




Mas lalo pa ngang naging maingay ang usaping ito ng lumabas ang balitang nasa bansang United Kingdon ang dalaga, kasama ang boyfriend niyang si Marcus Paterson at naninirahan sa pamilya nito. Sumunod din sa nasabing bansa, ang ina ni Janella, na mas lalo pa ngang ipinagtaka ng mga netizens.

Ang bulung-bulungang ito patungkol sa pagbubutis ng aktres, ay tinuldukan na nina Janella at Markus pagpasok ng taong 2021. Dahil nito lamang ika-5 ng Enero 2021, sa kauna-unahang pagkakataon, ay inilantad na ng dalawa sa publiko, ang kanilang baby, at ito nga ay sa pamamagitan ng isang vlog na naglalaman ng naging pregnancy journey ni Janella, hanggang sa naging paglabas ng kanilang cute na cute na baby.

Sa video vlog na ito, ay napag-alaman nga natin na noon pa palang ika-20 ng Oktubre 2020 nagsilang si Janella, at ang kanila ngang panganay na anak ni Marcus, ay isang baby boy, na pinangalanan nilang si Jude Trevor Paterson.

Samantala, tanong nga ng madla, bakit ngayon lang ibinunyag ng magkasintahan ang pagkakaroon nila ng anak? Ano ang kanilang dahilan para ilihim ito sa lahat, sa kabila ng naging bulun-bulungan na ito.

Nito nga lamang ika-6 ng Enero 2021, sa naging panayam kay Markus sa online show na We Rise Together, ay ipinaliwaga niya kung bakit, hindi agad nila inilantad sa publiko ang tungkol sa pagdating ni baby Jude sa kanilang buhay ni Janella.




“Alam naman naming na one day, we are going to release him to the world, na sobrang natakot kami noong una dahil we knew that the world is very harsh and right now isn’t the very best environment.
“Well, now it is, kaya nga iniabas na namin. Pero noong una, talagang we wanted to shield him from everything and keep everything as quiet as possible.”

Sa nasabing panayam rin, ipinaabot ni Markus sa lahat ng kanilang mga kaibigan at kapamilya ni Janella, ang pasasalamat sa mga ito, dahil sa hindi paglantad ng mga ito ng kanilang lihim sa publiko, hangg’t hindi pa sila handa na ilabas ito sa lahat o sa publiko.

“Una sa lahat, shout out sa lahat ng close friends and family namin that kept the secret with us, that help us throughout the journey.”Ibinahagi rin ni Markus, kung gaano siya kasaya sa pagdating ni baby Jude.

“Pero ayun, he is out, he is happy, he is growing, he’s fat and were happy, and everything is beautiful.”

Ayon pa kay Markus, ang taong 2021, ay isang magandang simula para sa kanila ni Janella, lalo pa’t kasama na nila ngayon si baby Jude, at alam na ng lahat ang tungkol sa kanilang anak.

“I know it’s such a beautiful way to start the year for me and for everybody else, and we thought na 2021, fresh page na, parang let’s just leave everything out there.”

Ilan nga sa mga kaibigan at kapamilya nina Marcus at Janella ang napanood sa video vlog na ibinahagi ng dalawa, kung saan ay sinaad ng mga ito kung gaano rin sila kasaya sa pagdating ni baby Jude. Kabilang na nga sa mga ito sina Maja Salvador, Erich Gonzales, Kyle Echarri at ang mga magulang ni Janella na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.