Kasalukuyang hindi mapigilan ang mabilis na pagbabago ng mga teknolohiya sa ating kapaligiran na araw-araw natin kaagapay sa buhay. Kung kaya naghahanap tayo ng mga paraan upang maimproved pa ang mga gamit natin upang mas lalong may malaking kaginhawaang maidulot ito sa atin.
Image courtesy: Barbie Forteza/Instagram
Tulad na lamang ng mga mamahaling kamera na kung saan binibilhan pa natin ng mga magagandang lense upang mas gumanda ang kuha natin sa mga bagay na gusto nating kunan.
Image courtesy: Barbie Forteza/Instagram
Sa mga kagamitan ngayon na nasa ating paligid tayo na lang ang mag-sasawa sa paglagay ng kung anu-ano upang mas gumanda pa ang serbisyo nito sa atin.
Image courtesy: Barbie Forteza/Instagram
Gaya na lamang ng ginawa ng isa sa mga sikat na aktres na si Barbie Forteza na kung saan nagawa niyang ipaupgrade ang kanyang sasakyan na talaga namang mapapahanga ka sa kinalabasan.
Image courtesy: Barbie Forteza/Instagram
Ang malaking pagbabago na ito na nangyari sa kanyang sasakyan ay mapapanood sa kanyang Vlog sa sariling Youtube account. Saad ni Barbie sa kanyang Vlog na nagawa niya ang malaking pagbabago na ito dahil ang sasakyan na kanyang ginagamit ay tila tinuturing na rin niyang tahanan.
Image courtesy: Barbie Forteza/Instagram
Alam naman natin ang buhay artista na kung saan kailangan nila ng lugar na pahingahan sa tuwing magkakaroon sila ng shooting para sa isang proyekto.
Image courtesy: Barbie Forteza/Instagram
Kung kaya mapapansin natin na bawat artista na kilala natin ay may mga sariling malalaking sasakyan na nagsisilbing tahanan nila.
Image courtesy: Barbie Forteza/Youtube
Ibinahagi pa ni Barbie na ang kanyang sasakyan ay ipinagawa niya sa isang hindi basta bastang pagawaan na tinatawag na Autobot Autoworks-Offroad. Hindi naman nabigo ang aktres dahil sa ganda ng kinalabasan ng kanyang pangalawang tahanan o ng kanyang sasakyan na araw-araw niyang ginagamit.
Image courtesy: Barbie Forteza/Youtube
Mas malaking kaginhawaan ang ginawa umano ng shop para sa kanyang sasakyan na talaga naman ikinatuwa ng aktres. Kitang-kita naman sa kanyang vlog kung gaano kaganda ang kinalabasan nito.
Maraming mga netizens at tagahanga ang namangha sa malaking pagbabago na ito.