Maraming aral sa buhay ang natutunan ni Kris Bernal sa kaniyang soon-to-be husband na si Perry Choi

Anumang buhay at kapalaran na ating marating 0 makamit ay tayo ang pumipili at gumagawa. Hindi masama ang pumasok sa isang relasyon, ika nga, hindi mo makikita ang magiging kahihinatnan kung hindi mo susubukan.

Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Minsan may nagiging partner tayo o kasintahan na sa kanila pa tayo natututo ng mga mahahalagang bagay sa buhay.


Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Katulad na lamang ng isang sikat at kilalang aktres na si Kris Bernal na ngayon ay masaya sa kaniyang magiging asawa na si Perry Choi na kung saan ay marami siyang mga mahahalagang aral na natutunan dito na kung saan ay masaya niyang pinahahalagahan.


Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Sinabi at ibinahagi ito ng aktres sa pamamagitan ng kaniyang Instagram Account noong Disyembre 26, kung saan ay makikita ding ibinahagi niya ang kanilang mga larawan na magkasamang nagbakasyon.


Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Sinabi ng aktres na ang pinakamahalagang aral sa buhay na natutunan niya sa kaniyang magiging asawa na si Perry Choi, ito ay ang mga ala-ala na pinakamaganda at mahalagang bagay sa mundo na hindi mo makikita at makukuha sa mga material na bagay na kaya at maaaring bilhin ng isang tao.


Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Ang mga ala-ala na ito ay makikita mo sa mga magagandang ginawa at ibinahagi natin sa mga taong mahal natin.


Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Natutunan din niyang pahalagahan ang mga positibong bagay sa kaniyang buhay, tulad na lamang nang gawin niya ang mga bagay na makakapagpasaya sa kaniyang sarili na hindi alintana ang mga sasabihin o kahit na ang pananaw ng ibang tao sa kaniya.


Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Natutunan niya na ring pahalagahan ang mga maliliit na bagay na nangyayari sa kaniyang buhay. Hindi man naging madali para kay Kris ang mga nangyari sa buhay niya, nandiyan naman ang kaniyang kasintahan na gumabay at hindi siya iniwan.


Image courtesy: Kris Bernal/Instagram

Lalo na sa nangyari sa kaniya noong buwan ng Hulyo na kung saan ay naipasara ang kaniyang Korean restaurant, House of Gogi, dahil sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *