Stories
Magkasintahan Nakaipon ng 1 milyong piso Mula sa mga Baryang Inipon nila

Ang pag-iipon ay isang pamamaraan ng pagpapahalaga natin sa pera. Sa ganitong paraan tayo ay nakakatipid lalo pa’t may nahuhugot tayo sa panahon ng pangangailangan. Iba-iba ang diskarte ng tao kung paano nila mapapabilis ang pagdami ng kanilang mga naiipon.
Katulad na lamang ng magkasintahan na nag-viral ngayon sa social media dahil sa kanilang naipon na mga barya na umabot ng 1 milyong piso. Ang magkasintahan na ito ay sina Yona Abela at Kit Cunanan. Sila ay nakaipon mula sa baryang nakukuha nila sa kanilang bulsa ito ang mga baryang natitira lamang sa kanilang bulsa. Kaya imbis na gastusin nila ang mga ito ay mas pinipili na lang nilang iponin ito upang dumami at kanilang mapakinabangan sa huli.
Ayon sa magkasintahan ang isa sa kanilang relationship goals ay ang mag-ipon upang magkaroon sila ng sarili nilang pera. Ang halaga na kanilang nais na maabot ay ay 1 milyong piso. Kung iisipin talaga ay sadyang napakahirap ngunit kung determinado talagang maabot ang isang bagay ay kayang abutin.
Ang nakakamangha pa sa kanilang iniipon ay imbis na perang papel ang kanilang iniipon ay puro barya na natitira sa kanilang bulsa. Ito ang kanilang nagpa-desisyunan na iponin dahil mas nakaka challenge daw mag-ipon kapag puro barya.
Ayon pa kay Yona, hindi rin sila makakaipon kung wala ang mga natitira nilang barya sa bulsa upang makabuo sila ng 1 milyong piso. Kaya sa kanilang naging disiplina sa pag-iipon ay hindi naging impossible ang kanilang 1 milyong piso na ipon challenge.
Sa pagyabong ng kanilang pagmamahalan ay lumago din ang kanilang inipon. Sa pagtutulungan ng magkasintahan ay nakamit din nila ang isa sa kanilang mga relationship goals.
Kaya dahil sa kanilang kakaibang ipon challenge, maraming mga netizens ang kanilang nainspire. Ang pag-iimpok ng pera ay dapat may pagtitiyaga upang ito ay dumami parasa panahon ng pangangailangan ay may mapagkukunan.
Ika nga nila, “Kapag may isinuksok, may madudukot”.
