Maliban sa pagiging mahusay na mga artista sa industriya ng showbiz, ay kahanga-hanga rin ang taglay na kabutihan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang mga kasambahay. At kamakailan nga, ay binigyang kaligayahan ng mag-asawa ang kanilang mga kasambahay matapos bigyan ng bisikleta, mga laptop at grocery items.
Bagama’t, marami ang nakakaranas ng hirap dahil sa pandemya, ay hindi naman ito naging hadlang sa celebrity couple upang pasalamatan at ibalik ang kabutihan at kasipagan ng kanilang mga kasambahay. Ang mga ito nga ang katuwang ng mag-asawa sa pangangalaga ng kanilang tahanan, at sila rin ang nag-aalaga sa mga anak ng celebrity couple.
Napakalaking tulong para sa pamilya ng mag-asawang Dingdong at Marian ang sakripisyo at kasipagan ng kanilang mga kasambahay. Kaya naman, sa pagkakataong ito, ay sila naman ang magbibigay saya sa kanilang mga kasambahay bilang pasasalamat.
Photo credits: Marian Rivera | IG
Isang masayang Christmas party ang isinagawa ng celebrity couple para sa kanilang mga kasambahay na sina Glenda Cañaveral, Jhun Alisangco at Cecile Robotoc, upang pasalamatan ang sakripisyo at pagmamahal sa kanilang pamilya.
At upang pasayahin ang kanilang Christmas party ay nagkaroon ng palaro ang celebrity couple sa tatlo, kung saan ay nagbigay ng saya at excitement. At tiyak, na talagang masaya ang palaro lalo na’t may papremyo ring nakahanda para sa mga ito.
Photo credits: Marian Rivera | IG
Sinimulan nga ni Dingdong ang palaro sa Multiple Choice kung saan, ay may nakahandang katanungan ang aktor para sa tatlo. At kung sino ang may pinakamaraming tamang sagot, ay siyang tatanghaling panalo at makakakuha ng premyong bisikleta.
Ang mga naging katanungan ay may kaugnayan naman sa pagsasama nina Marian at Dingdong. Katulad na lamang nga, kung saan sila unang nagdate. Sumunod kung ano ang laging ginagawa ni Dingdong tuwing umaga, at ang huling naging katanungan ay kung sino ang unang naging leading man ni Marian. Sa naturang laro ay nagwagi si Glenda at napasakamay ang bisikleta. Labis naman ang kaligayahan nito, at malaking tulong ito para sa kanya, lalo na’t malayo ang kanilang bahay.
Photo credits: Marian Rivera | IG
Sumunod naman, ay ang laro kung saan isang mahalagang bagay ang premyo, ito nga ay laptop at wifi. Sa nasabing laro, ay ipinasulat ni Dingdong sa kapirasong papel ang kanilang napupusuan na karapat-dapat na makatanggap ng nasabing premyo. At ang premyong laptop at wifi ay napunta kay Jhun, matapos siyang piliin nina Glenda at Cecile. Napakalaking tulong nga nito, sa pag-aaral ng anim na anak ni Jhun na kinakailangan sa online class.
Photo credits: Marian Rivera | IG
Nakatanggap rin ng nasabing premyo si Glenda, na kanya namang ibibigay sa kanyang pamangkin na nag-aaral rin ngayon. Labis rin ang kaligayahan ni Glenda, dahil malaking tulong rin ito sa pag-aaral ng kanyang pamangkin.
Photo credits: Marian Rivera | IG
Samantala, ang huli namang naging palaro ay tinawag ni Dingdong na “Hakot mo benta mo”. Sa larong ito, ay may hawak na kanya-kanyang batya ang tatlo na kanilang gagamitin sa paghahakot ng mga grocery items upang makapagsimula ng kani-kanilang sari-sari store business.
Tunay nga na anuman ang nararanasang hirap at suliranin sa anumang sitwasyon, ay hindi ito makakahadlang upang makapagbigay saya sa kapwa. Pinatunayan nga ng mag-asawang Marian at Dingdong, na ang tunay na diwa ng pasko ay pagbibigayan at pagmamahalan.