Connect with us

Stories

Lolo na Araw-Araw Nagpupunta sa Bike Shop Upang Tawaran ang Bike na Nais Niya, Hindi Inakalang Ibibigay sa Kanya ng Libre ng Tindera

Sa buhay natin ay may mga bagay tayong inaasam, ngunit dahil sa estado ng ating mga buhay, kung saan ay karamihan sa atin ay nakakaranas ng kahirapan ay hindi agad natin ito nakukuha, at kinakailangan munang pag-ipunan. At minsan pa nga para sa iba, ay napaka-imposible na nilang makuha ang bagay na ito na inaasama nila, dahil nga kakapusan na nararanasan.




Samantala, may mga pagkakataon naman na may mga tao talagang sadyang may mabubuting kalooban, na nagiging daan upang makuha natin ang bagay na ating inaasam.

Kamakailan nga lamang, ay may isang pangyayari na nagpamangha at labis na nagbigay kasiyahan sa mga netizens, ito ay matapos ngang makatanggap ng regaling bike ng isang lolo, na binigay mismo sa kanya ng mismong nagbebenta ng nasabing bisekleta.

Base nga sa naging ulat, matagal ng pinapangarap ng lolo na ito ang makabili ng bisekleta, kaya naman araw-araw siyang nagpupunta sa tindahan ng mga ito, at tinatawaran ang presyo nito .
Ibinahagi nga ng mismong may-ari ng Carandang bike shop na kinilalang si Fe Carandang, na halos isang lingo ng nagpapabalik-balik si Lolo Carlos sa kanilang tindahan. Ito ay dahil nga umano, sa nais ni lolo na bilhin ang mini MTB bike.

Ngunit ang kaya lang umanong halaga ni Lolo Carlos ay P2,000, kung saan ay halos sobra pang kalahati ng presyo nitong P4,500 ang kulang upang mabili nga niya ang naturang bike na kanyang gusto.




Umiral naman ang kabutihan ng puso ng may-ari ng tindahan ng bisekleta, kung saan, noong ika-3 ng Hunyo, araw ng Miyerkules, ng bumalik si Lolo Carlos sa tindahan ng mga ito, ay pinili ng may-ari na ibigay na lamang sa naturang matanda ang bisekletang nais nito, na magsisilbi na lang nilang regalo para rito.

Makikita nga sa isang video na kumalat online, ang naging pag-uusap ni Lolo Carlos at ng may-ari ng nasabing bike shop, tungkol nga sa bisekletang nais ng matanda.

Nang ini-abot na nga ng matanda ang kanyang pambayad na P2,000, kahit kulang ay malugod itong tinanggap ng nagbebenta.

Ngunit kalaunan, ay agad ring makikita ang naging pagbalik nito ng naturang pera kay Lolo Carlos, at sinabi nga rito na, hindi na nito kailangang bayaran ang bisekleta dahil regalo na lamang nila ito sa kanya.

“Kunin mo na yan, regalo namin sa iyo”, ang maririnig ngang sambit ni Aling Fe.

Maliban pa nga sa bisekleta, ay binigyan pa ng lock para sa bisekleta ng business owner si Lolo Carlos, para umano hindi manakaw ang bisekleta nito.

Ibinahagi rin ng mismong may-ari ng shop, ang ginawang pagpunta sa kanila ng anak ni Lolo Carlos, ito ay upang magpasalamat sa ibinigay nilang regalo.




Napag-alaman rin ng may-ari, na kaya pala nais ni Lolo na makabili ng bike, ay upang mayroon siyang magamit sa paglalako niya ng kendi.

Panoorin rito:

error: Content is protected !!