Connect with us

Stories

Lola, Nasorpresa sa Payong na Ine-Regalo sa Kanya Dahil Hindi Niya Inaasahan na Pagbukas Nito ay Napakaraming Salapi Pala ang Nilalaman Nito

Likas na sa ating mga Pilipino ang maging mapagbigay, sa ating kapwa at mas lalo na nga sa ating kapamilya. Isa din sa mga pinakamagagandang ugali na ipinagmamalaki ng mga Pinoy, ay ang pagiging mapagmahal natin sa ating mga magulang o sa mga nakakatanda sa ating pamilya, tulad ng ating mga lolo o lola.




Marami nga atin ang binibigyang importansya ang ating mga magulang, dahil sa ito ang taong nag-aruga at umagapay sa ating paglaki. Kaya naman upang sila ay bigyan ng kaligayahan sa kanilang buhay, ay may ilan sa atin ang naghahandog sa kanila ng sorpresa, lalo na kung dumarating ang mga espesyal na araw, lalo na ang kanilang mga kaarawan.

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay isang video post sa Facebook na ibinahagi ng netizens na si Sherelyn Atienza, ang nag-viral at nagbigay tuwa sa mga netizens.

Makikita nga sa video na ito, kung paano nila mahalin at bigyang kasiyahan ang kanilang lola, sa espeysal na araw sa buhay nito. Kaya naman talagang pumukaw ito sa atensyon ng mga netizens, at agad na kumalat sa social media, kung saan ngayon ay mayroon na itong 7.2k reaksyon, at 1.9k na ang nagbahagi nito.

Sa video ay makikita na nagdiriwang ng kaarawan ang pinaka-nanay ng kanilang pamilya, o ang kanilang lola na si Bhaby Mila Malabanan, kaya naman ito ay kanilang inawitan ng sikat na awitin tuwing may kaarawan ang “Happy Birthday”, saka nga nila inilabas ang kanilang munting regalo para sa kanilang minamahal na lola.

Nakasaad nga sa caption ng video na ito ang salitang;

“Kakaibang surpresa para kay mama. Succesful family surprise for our beloved lola! We love you so much mama.”




Bakas naman sa mukha ni Lola Bhaby ang excitement, sa kung ano ang surpresang regalo sa kanya, lalo pa nga’t naririnig niya ang hiyawan at katuwaan ng kanyang mga kapamilya.
Laking tuwa naman ni Lola Bhaby ng makita na niya ang regalo sa kanya, kung saan ay isa itong payong.

Ngunit, kung inaakala ni Lola na yun lamang ang sorpresa sa kanya ng kanyang pamilya, ay nagkakamali siya dahil mas ikatutuwa pa pala niya kapag ang payong ay kanya ng binuksan.

Pagbukas nga ng naturang payong, ay tumambad kay Lola Bhaby ang napakaraming mga pera na nakasabit sa loob nito, na tila ba noong umulan ng salapi ay limpak ang nasalo nito. Makikita nga ang mga papel na perang P20, P50, P100, P500 at P1,000 na nakasabit sa payong, at ang lahat ng iyon ay para kay Lola Bhaby.

Nagbigay naman ng kanyang pasasalamat si Lola Bhaby sa lahat ng kanyang mga anak, at apo na nagbigay ng kasiyahan sa kanya, lalo na sa sorpresang handog ng mga ito.

“Salamat ng maraming marami. Sana marami pang birthday akong dumating. Pero matanda na ako eh. Baka apat na birthday na lang”, saad ni Lola Bhaby.
“Salamat. Happy New Year sa lahat”, dagdag pa nga nito.




error: Content is protected !!