Liza Soberano, Ipinasilip ang kanyang Masayang Adventure sa Siargao, Natuto ring Mag-surfing Habang Nasa Bakasyon

Kamakailan lamang nang magtungo ang aktres na si Liza Soberano sa isla ng Siargao kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan at nobyong si Enrique Gil upang doon ipagdiwang ang kanyang ika-23 taong kaarawan.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Habang nasa isla ng Siargao, ay sinulit ni Liza ang bawat sandali, upang maenjoy niya ang kanyang bakasyon. Sa kanyang Instagram account nga, ay bumaha ng mga larawan na kuha sa kanyang masayang adventure. At hindi naman maikakaila na talagang nag-enjoy siya sa kanyang birthday celebration, lalo na’t kasama ang nobyong si Enrique.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Makikita sa ilang larawan ang kasweetan ng magkasintahan habang inienjoy ang magandang tanawin. Sa isang larawan nga, ay makikita na nagpalitrato ang dalawa habang nakatayo sa beach at ang background nito, ay napakagandang tanawin na hatid ng rainbow.

“Thank you God for creating all things beautiful,”caption ni Liza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Sa hiwalay namang Instagram post, makikita na nasa duyan ang magkasintahan. Napakaganda rin ng tanawin na nasa kanilang likuran na tila nga nasa isang paraiso.

Caption naman ni Liza sa kanyang post,

“ To escape and sit quietly on the beach – that’s my idea of paradise. – Emilia Wickstead.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Samantala, hindi lamang magandang tanawin at nakakarelax na kapaligiran ang naenjoy ni Liza, kundi pati na rin ang bagay na kanyang natutunan. At habang nasa bakasyon nga, ay natuto ring mag-surfing ang 23 taong gulang na aktres.

Kilala na ang Siargao bilang tahanan ng mga mahuhusay na surfer sa bansa. At hindi lamang tourist destination ang Siargao, na hatid ay napakagandang tanawin kundi kilala rin sa pinakamagaling na lugar pagdating sa surfing. Kaya naman, hindi pinalampas ni Liza ang pagkakataon upang matuto siyang magsurfing sa kanyang pananatili sa isla.




At kamakailan nga, ay proud na ibinahagi ni Liza sa kanyang Instagram, na marunong na siyang magsurfing. Tila nga, may bagong hobby na si Liza na kanyang maeenjoy sa tuwing magbabakasyon sa Siargao. Pinasalamatan rin ng aktres ang instructor na nagturo sa kanya ng surfing.

“I can’t believe I know how to surf and now I just can’t wait to surf again!! It’s so addicting. Thank you @ikit_agudo, you’re the best instructor.”

Binalikan rin ni Liza ang kanyang masayang adventure sa Siargao, kung saan ibinahagi niya kung gaano kabuti ang mga taong naninirahan sa isla. Hindi rin nakalimutan ng aktres na pasalamatan ang mga ito.

“Siargao has a special place in our hearts thanks to how sweet everybody is, even the locals who would wait for us on their little boats were so sweet and respectful.”