Lani Mesalucha Tatlong Buwan Nanirahan sa Bahay ni Willie Revillame Kasama ang Kanyang Asawa

Nito nga lamang araw ng Lunes, ika-4 ng Enero 2021 ay nagbalik live na sa telebisyon ang game show ni Willie Revillame na Wowowin/Tutok To Win, na mapapanood sa GMA-7.




Ang programa ngang ito ni Willie na ilang taon ng tinatangkilik ng mga manonood, ay patuloy pa ring magbibigay ng tulong, ligaya, at pag-asa sa lahat, lalo na sa mga taong walang sawang sumusubaybay rito.

Samantala, bago pa nga sumapit ang araw, kung kailan magsisimulang muli maging live ang mga show ni Willie sa telebisyon, ay nagkaroon muna ng panayam ang TV host sa Cabiet Files nitong nakaraang Linggo ng umaga.

Ayon nga kay Willie, ang taong 2021, ay isa sa mga magiging makasaysayang taon sa kanyang buhay, dahil sa ngayong taon na ito niya ipagdiriwang ang kanyang ika-60 taong kaarawan.
Sa ika-27 ng Enero nga, ay 60th birthday na umano ni Willie, ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang plano kung paano ipagdiriwang ang kanyang nalalapit na kaarawan.

“Wala pa kong naiisip na plano sa birthday ko. Dapat simple na lang. mahirap ang situation ng buhay natin. Bawal pa ang magsaya”, ang naging pahayag nga ni Willie sa Cabinet Files.

Marami nga naman sa atin ang talagang nagmamahal sa TV host, dahil sa dami ng taong kanyang natulungan, sa pamamagitan ng kanyang programa, o di kaya naman pagtulong na galing mismo sa sarili niyang bulsa.

Ang patuloy na tagumpay ng Wowowin/Tutok To Win at perpektong kalusugan ni Willie, ang dasal ng mga taong siya’y minamahal, lalo na ng mga taong kanyang natulungan.




Ilang mga kababayan na nga natin ang nagpatunay ng likas na pagiging matulungin ni Willie, hindi lang sa simpleng mga mamamayan, kundi maging sa mga kaibigan niya sa industriya.

Isa na nga sa mga magpapatunay ng likas na kabutihan ng TV host, ay si Lani Mesalucha, dahil ayon sa kanya, ay ang tahanan ni Willie ang naging kanlungan nilang mag-asawa ng halos tatlong buwan noong kasagsagan ng corona vi!rus [email protected]

“Three months kaming nag-stay sa bahay niya. Nakakatuwa yang tao nay an. He’s very generous and caring”, saad nga ni Lani, ng ito ay makapanayam ng Cabinet Files noong ika-17 ng Disyembre 2020.

Matatandaan na noong ika-3 ng Hunyo 2020, ay naging guest ni Willie si Lanie sa Tutok To Win, kung saan ay nabanggit ng Tv host, na noong una niyang makita si Lanie sa isang show sa Las Vegas, ay hindi niya talaga kilala nag Filipina singer na kilala bilang “Asia’s Nightingale”.

“Ipinagmamalaki ng mga Pilipino sa buong mundo. Napanood naming sa Las Vegas ito, hindi ko kilala. Sabi ko, sino ‘yan? Pinay ba ‘yan? Ang gulat na gulat na reaksyon ni Willie noon.

Ayon pa nga kay Willie, mula noong makilala niya na si Lanie Mesalucha, ay naging mabuting kaibigan na niya ito, maging ang napangasawa nito.