Labis na kasiyahan ang nadama ng anak ni Vic at Pauleen na si Talitha nang sila’y mamasyal sa isang farm sa Laguna

Isa sa mga mahalagang bagay na dapat nating ipakilala sa ating mga anak ay ang kalikasan at ituro sa kanila ang kahalagahan nito.


Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Ito ay upang lumaki sila na mayroong pagmamahal at pagrespeto sa lahat ng bagay na may buhay sa mundong ating ginagalawan. Paraan din ito ng isang pamilya na magkaroon sila ng oras na makasama nila ang kanilang anak upang maturuan ito ng mga bagay-bagay.


Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Maliit na bagay ito para sa atin pero para sa mga bata ang bonding na ito ay napakalaki at napakasaya na nakakataba ng puso nila. Tulad na lamang ng ginawa ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na nagawa nilang ipasyal ang kanilang anak na si Talitha sa isang Farm sa Laguna.

Makikita ang mga kaganapan na ito sa social media ni Pauleen na kung saan nag post siya ng mga masasayang litrato kasama ang buong pamilya niya habang namamasyal sa Staelena Golf and Country State Fun Farm.


Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Napagdesisyunan ng mag-asawa na pumunta dito upang mamasyal kasama ang kanilang anak at magkaroon man lang ng kaunting kasiyahan sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocol.


Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Mapapansin sa mga litrato ang hindi mapantayang saya ng buong pamilyang Sotto lalo na ng kanilang napacute na anak na si Talitha.


Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Saad ni Pauleen sa kanyang post ay napakasarap umano sa pakiramdam na makalanghap na naman umano sila ng sariwang hangin at makaranas makakita ng panibagong tanawin.


Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Dagdag pa niya na wala namang umanong masama na magtanggal ng mask sa lugar na iyon sa kadahilanan na sila lamang ang mga tao.


Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Nagpasalamat din si Pauleen sa Panginoon sa nangyari na ito dahil nakapagpahinga din umano sila at nakasama pa nila ang kanilang anak.

Dito mo masasabi na walang makakapantay sa saya ang pakiramdam na kasama mo ang iyong buong pamilya sa pamamasyal. Tuwang tuwa naman ang mga netizens na makita nila ang buong pamilya Sotto na nag-eenjoy sa kanilang pamamasyal kasama ang kanilang anak na si Talitha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *