Connect with us

Stories

Kung Noon ay Nagtitiis sa Pancit Cantoon Pantawid Gutom, Ngayon ay Nakakain na ng Mag Asawang ito Lahat ng Gusto nila at May Sarili narin silang Kompanya

Mayroon nga tayong kasabihan na “Bilog ang mundo”, at ang mga bagay na nararanasan mo ngayon, ay hindi pang habang buhay, lalo na kung ikaw ay isang taong masipag at madiskarte sa buhay.

Kung kahapon nga ay danas mo ang kahirapan, ay maaring magbago ang ikot ng iyong kapalaran, at maari mong marating ang tagumpay na iyong hinahangad sa iyong kinabukasan, lalo na kung sa bawat araw na lilipas, ay patuloy ka lang sa pagtupad ng iyong mga pangarap sa buhay.

Batid natin na ang tagumpay sa buhay, ay hindi “instant” na dumarating sa buhay ng isang tao, dahil upang ito’y makamtam mo, ay daraan ka muna sa maraming mga proseso ng buhay, hanggang sa dumating na nga sayo ang takdang oras ng iyong tagumpay.

May mga pagkakataon na may mga taonga gad-agad umaasenso, ito ay sa pamamagitan ng pagkapanalo sa lotto, o di kaya naman ay sa mga patimplak na ang papreyo ay talaga namang milyon-milyon ang halaga. Ngunit iilan lamang ang nakararanas ng ganito, dahil karamihan pa rin, ay sa pagiging madiskarte at masikap sa buhay, kaya nagiging matagumpay.




Marami na nga tayong kwento ng tagumpay na narinig, at ang naging sikreto nila ay ang pagiging masipag, hindi pagsuko, at patuloy lang sa paglaban na makamit ang mga bagay na pinapangarap sa buhay.

At ngayon nga ay panibagong kwento na naman ng tagumpay ang ating matutunghayan, kung saan ay kapupulutan ito ng inpirasyon, para maging masipag at pursigido sa buhay, upang mga pinapangarap ay makamtan.

Ang mag-asawang George at Chin, ay ilan lamang sa mga taong hindi sumuko sa hirap na pinagdaanan nila sa buhay, kaya naman ang tagumpay na kanilang hinahangad ay kanila ng nakamtan. Narito nga ang kwento ng kanilang pinagdaanan sa buhay, hanggang sa makamit nila ang pinapangarap nilang tagumpay at magandang buhay.

Ayon sa kwento ng mag-asawa, noon ay ay isa lamang trabahador si Chin, na ang sahod ay minimum, samantalang si George na kanyang asawa, ay nagbebenta ng kung ano-anong makakain, tulad ng hotdog buns, siomai, pizza rolls, upang maidagdag sa kinikita ni Chin.

Ibinahagi nga ng mag-asawa, na dahil sa kakarampot na kinikita nila noon, ay naranasan nila na mag-ulam ng halos araw-araw ng pancit canton at corned beef. Madalas din silang nakararanas ng pangungutya ng ibang tao, dahil nga sa kahirapan nila sa buhay.




Ngunit sa kabila nga ng kahirapan na kanilang nararanasan, ay hindi ito naging hadlang sa mag-asawa upang makamit ang kaunlaran at magandang buhay na kanilang pinapangarap. Dahil sa tulong ng isa’t isa, ay nalampasan nila nag lahat ng hamon at pagsubok sa kanilang buhay, hanggang sa matagumpay na nilang maabot ang kanilang mga pangarap.

Dahil nga sa knilang naging pagsusumikap, pagtatrabaho ng mabuti, at pag-iipon, makalipas lamang ng ilang taon, ay unti-unti ng nakapagpundar ng kanilang mga ari-arian ang mag-asawa. Nagawa na nilang makabili ng sarili nilang bahay at sasakyan, at bukod pa sa mga ito, ay nakapagpatayo na rin sila ng sarili nilang kumpaya, na “SureTrust Corp Group.”

Sa ngayon, ay patuloy pa rin sa pagsisipag ang mag-asawa, upang mas lalo pang maging maganda ang kanilang kinabukasan, lalo na ngayon na sila ay mayroon ng anak na babae, ay mas doble pa nga ang kasipagan na kanilang ginagawa upang mabigayn ito ng masagana at maayos na buhay.

error: Content is protected !!