“Kung isa kang pelikula sana wala kang ending” Angelica Panganiban, nagbahagi ng pasulyap sa kaniyang nobyo

Sa bawat buhay ng tao, ay may kaniya-kaniya tayong pinagdadaanan, ito man ay sa ating pamilya, kaibigan, mga taong nasa paligid at pati narin sa ating personal na buhay, tulad na lang ng pag-ibig.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Maliban sa ating pamilya na nagmamahal at nagbibigay ng suporta sa atin ay mayroon din tayong isa pang taong nagmamahal at pwede nating lapitan na maaring magbigay at magkumpleto sa ating buhay, at ito ay ang ating kasintahan.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Minsan iniisip natin, bakit tayo nasasaktan o bakit kailangan pa nating masaktan sa mga taong mahal at minahal natin. Iniisip natin na sila na ang una at huli. Yung sa kanila umiikot ang mundo mo, pero sa huli hindi pala sila ang para sayo.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Sa isang relasyon, hindi mawawala ang away at bati, pagtatalo, hindi pagkakaintindihan, o hanggang sa may isa na sa inyo ang bumitaw sa relasyong meron kayo.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

May mga bagay talaga sa mundo na taliwas sa gusto mong mangyari, akala mo yun na yung maganda para sayo, pero may mas maganda pa palang nakalaan sayo ang tadhana.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Katulad na lamang ng aktres na si Angelica Panganiban, na ilang beses mang nasaktan sa kaniyang mga naging karelasyon na sina Carlo Aquino at Derek Ramsay, ay hindi pa rin sumukong magmahal.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Ilang beses mang nasaktan, sa ngayon ay may gagamot na sa kaniyang pusong sugatan. Dahil noong bagong taon sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post ay ipinakilala niya sa publiko ang bago niyang kasintahan. Makikita sa nasabing post ang isang larawan kung saan hinalikan ng aktres ang kaniyang special someone sa ilalim ng nag-gagandahang mga fireworks.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Ang kapsyon ng aktres sa kanyang post ay inihalintulad niya sa isang pelikula na kung saan nananalangin siya na sana ang kanyang new found love ay wala ng ending.


Image courtesy: Angelica Panganiban/Instagram

Dahil sa napakagandang pasabog ni Angelica, ay maraming mga celebrities at netizens ang nagulat at nasurpresa sa nasabing post ng aktres. Makikita naman sa kanilang mga komento na masaya sila para kay Angelica Panganiban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *