Korina Sanchez ipinakita ang napakacute na bonding moments ng kaniyang asawang si Mar Roxas at ng kaniyang anak na si Pilar

Bilang isang ina, hindi matatawaran ang kanilang sayang nararamdaman na katuwang nila ang kanilang asawa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at mas lalong nagagalak sila sa tuwa tuwing nakikita nila ang kanilang asawa na nagkakaroon ng oras para makipaglaro sa kanilang mga anak.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Kung iyong mapapansin ay marami kang makikitang mga larawan na nakapost sa social media kung saan ay ibinabahagi ng kanilang asawa ang masasayang sandali ng kanilang anak kasama ang ama nito.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

At isa na rito si Korina Sanchez na kung saan ay sobrang proud at hindi matawaran ang kaniyang saya na ibahagi sa kaniyang social media account ang isa sa pinakakyut na bonding moments ng kaniyang asawang si Mar Roxas at baby nilang si Pilar.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Makikita sa post na ang dating senador na si Mar Roxas ay nagbabasa ng isang storybook katabi ang kaniyang napakyut na anak. Makikita naman na talagang nakikinig si baby Pilar sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng kaniyang ama.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Ang nasabing larawan ay nilagyan ni Korina ng isang kapsyon na, mas maraming oras si Mar upang turuan ang kanilang anak.
Ang nasabing post ng beteranong journalist ay nagkaroon ng halos mahigit labing pitong libong likes. At samu’t saring mga komento mula sa mga netizens.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Si Korina Sanchez ay isang kilalang broadcast journalist sa Pilipinas na kung saan ay nagsilbi at napabilang sa isa sa mga anchors ng news program ng Kapamilya Network na “TV Patrol”.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Si Korina Maria Sanchez o mas kilala bilang Korina Sanchez ay ipinanganak noong Oktubre 5, 1964 sa Hong Kong. Siya ay anak nina Ramon Sanchez, isang tagapangasiwa sa Ambassador Hotel at ang kaniyang ina ay si Celia Baluyut, isang mang-aawit.


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram


Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Ikinasal sina Korina Sanchez at Mar Roxas noon Oktubre 27, 2009 sa Quezon City. Ipinanganak ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar noong Pebrero 12, 2019 sa pamamagitan ng gestational surrogacy sa United States.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *