Kinagiliwan ng mga netizens ang napaka-cute na anak ni Carlo Aquino na si Enola Mithi

Ngayong mga nagdaang taon madami tayong nasubaybayan na mga artista na nagpasiya ng mag-asawa. Kasabay nito ang biyaya na bigyan sila ng sarili nilang anak bunga ng pagmamahalan nila ng kanyang partner.


Image courtesy: Carlo Aquino/Instagram

Nakita natin ang bawat anak ng bawat artista na ating hinahangaan at talaga namang biniyayaan ang mga ito ng angking ganda at kakyutan.


Image courtesy: Carlo Aquino/Instagram

Tulad na lamang ng anak ni Carlo Aquino at Trina Candaza na si Enola Mithi na pinagkaguluhan ng mga netizens ng makita nila ito sa social media.


Image courtesy: Carlo Aquino/Instagram

Makikita sa larawan na ibinahagi ng mga magulang ni Enola ang kanyang mga litrato na talaga namang mapapanganga at mapapahanga ka sa sobrang kyut at ganda nito.


Image courtesy: Enola Mithi Candaza Aquino/Instagram

Kung ating natatandaan na si Enola Mithi ay ipinanganak noong Septyembre 8 narakaang taon at pinangalanan nila Carlo at Trina ang kanilang anak ng Enola na kung ating mapapansin ay kabaliktaran ito sa salitang ingles na “Alone.”


Image courtesy: Enola Mithi Candaza Aquino/Instagram

Dinugtungan naman ito ng salitang Mithi na kung saan ito ang isa sa mga gustong pangalan ni Carlo sa kanyang nagawang palabas na pinamagatang “Pahina”.


Image courtesy: Enola Mithi Candaza Aquino/Instagram

Kasalukuyang si Baby Enola ay apat na buwan pa lamang at makikita ang isang katutak na litrato nito at bidyo sa sarili niya mismong social media account na ginawa ng kanyang magulang simula ng siya ay ipinanganak.


Image courtesy: Enola Mithi Candaza Aquino/Instagram

Maliban sa pangalan na Enola Mithi ay kilala din siya sa pangalan na Baby Minchin. Kung ating dadalawin ang kanyang social media account maliban sa mga kyut na litrato at bidyo ay mapapansin din natin at masasabi na si Baby Minchin o Enola ay isang daddy’s girl.


Image courtesy: Enola Mithi Candaza Aquino/Instagram

Mas madalas mo siya makikita na hawak ni Carlo Aquino sa mga litrato na kanilang ibinabahagi. Makikita din sa isa nilang inupload na litrato na mayroon isang komento na nanggaling mismo sa kanyang lola Amy na nagsaad na sobrang miss na niya ang kanyang apo na si Enola.


Image courtesy: Enola Mithi Candaza Aquino/Instagram


Image courtesy: Enola Mithi Candaza Aquino/Instagram

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na mag react sa mga litrato ni Enola dahil sa sobrang kyut nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *