Kilalanin si Santino Rosales ang napakaguwapong anak ni Jericho Rosales na isang negosyante at football player

Kung pisiskal na katangian ang pag-uusapan, ay talaga namang mabibighani tayo sa ganda at kagwapuhan ng mga artistang iniidolo natin. Ngunit sa kabilang banda, ay hindi natin alam na sa likod ng kagwapuhan, kagandahan at napakagandang hubog ng katawan ay may mga anak na pala ang mga ito.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Katulad na lamang ng napakaguwapo at kinaguguluhan nating si Jericho Rosales na may binatilyong anak na pala, at talaga namang nagmana sa kanya nang angking kagwapuhan.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Ang nasabing anak ng aktor na si Santino ay 19 na taong gulang na, at sa kanyang murang edad ay isa na itong ganap na negosyante. Sa buhay ng isang anak ay malaking parte ang mga magulang sa kanilang mga naging achievement o nararating sa buhay.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Kaya naman hindi maitatago ni Santino ang saya na kanyang nararamdaman sa pagkakaroon at pagsisimula ng panibagong negosyo. Kung kaya naman makikita sa post ng binata ang larawang kanyang ibinahagi kasama ang kanyang inang si Kai Palmonares.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Santino Rosales ang pagbubukas ng kanyang negosyo na “KAISAINT skews & brews” na makikita at matatagpuan sa Paranaque City. Bawat achievement at pag-asenso ng tao ay may kaakibat na kwento sa likod nito.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Kaya naman sa panibagong yugto ng buhay ni Santino bilang isang businessman ay ibinahagi din ng binata ang naging journey niya sa pagkakaroon ng sariling negosyo. Bata palang si Santino ay pinapangarap na niyang magkaroon at makapagsimula ng sariling negosyo.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Kaya naman ngayon na nahawakan at nakikita na niya ang dati niya lang pinapangarap ay sobrang proud siya sa kanyang sarili. Sa bawat araw ay napapaisip ang binata kung gaano siya pinagpapala na sa murang edad ay nabigyan siya ng pagkakataong makapagpatayo at magkaroon ng sariling negosyo.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Kasama ni Santino sa kaniyang negosyo ang kaniyang ina at matagal na pala nilang pinaplano ang nasabing negosyo. Sa ngayon na bago pa ito ay inaasikaso na din ni Santino ang kaniyang sariling restaurant na KAISAINT art.food.space.


Image courtesy: Santino Rosales/Instagram

Ang pangalan na KAISAINT ng kanilang restaurant ay nagmula sa pinagsamang pangalan ni Santino at ng kaniyang ina na, Kai at Saint.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *