Kilalanin si Milissa Grande ang napakagandang girlfriend ng Vlogger na si Ranz Kyle

Marami na ang mga naglilipanang mga bagong YouTuber. Isa na dito ay ang binatang si Ranz Kyle na talaga namang sikat at kilala ng nakararami.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Dahil sa pagpapakita ng kaniyang mga magaganda at magagaling na moves pagdating sa pagsayaw. Nakilala din si Ranz sa dance duo na “Ranz and Niana”, na kung saan ay kasama niya ditong sumayaw ang kaniyang step-sister na si Niana.
Dahil sa angking husay sa pagsayaw ay maraming mga kabataan ang kinahuhumalingan at kina-aaliwan siyang panoorin sa kaniyang mga dance video.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Noong taong 2000, pinasok ni Ranz ang mundo ng showbusiness na kung saan ay sumubok maging isang aktor, at dahil sa kaniyang pagpupursigi ay naging miyembro siya ng grupong defunct all-boys.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Kung ating titingnan ay hindi lamang ang angkin nitong galing sa pagsayaw ang hinahangaan ng mga tagasubaybay, kundi pati narin ang taglay nitong kagwapuhan na talaga namang kapansin-pansin.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Hindi na nakakapagtaka kung maraming mga dalaga ang nahuhumaling at nagkakagusto sa binata. Dahil dito ay hindi maikakailang mapag-usapan kung may girlfriend na ba ang binata.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Nagsimula ang pagtatanong nang makita ng mga tagasubaybay ang mukha ng isang dilag sa isang video vlog nito kung saan ay binati ng dalaga ang binata sa kaarawan nito.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Makikita din sa nasabing video na kung saan ay nagulat ang binata nang batiin siya nito. Kaya naman ay hindi maitagong tuksuin si Ranz ng kaniyang pamilya at dito na nagsimulang mapaisip ang mga tagahanga ni Ranz Kyle, kung ano ang naturang koneksyon ng dalaga sa binata.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Dahil sa mabilis na balita, ang nasabing dalaga ay si Milissa Grande na kasintahan ni Ranz Kyle na taga Tarlac, ngunit lumaki at nanirahan sa Canada. Si Milissa Grande ay isang Filipina commercial model, beauty queen at isang singer.


Image courtesy: Milissa Grande/Instagram

Napag-alaman din na ang nasabing dalaga ay naging representative ng bansang Canada, sa isang International Pageant noon, na hindi naman maitatanggi at nakakapagtaka sa taglay nitong kagandahan.


Image courtesy: Ranz Kyle/Instagram

Marami sa mga tagahanga nina Ranz Kyle at Milissa Grande ang nagpa-abot ng kanilang mga mensahe sa pagsuporta sa relasyon ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *