Jodi Sta. Maria ibinahagi ang masayang bakasyon sa Africa bansa ng Tanzania kasama ang anak na si Thirdy

Hindi natin maitatanggi, na sa sobrang busy at dami ng mga ginagawa natin sa trabaho ay nakakalimutan na nating magpahinga. Kaya naman, sobrang saya na natin kapag may holidays, dahil ito ang oras na nakakapagpahinga tayo at nakakapagbonding kasama ang buong pamilya.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Instagram

Dahil sa pagkakaroon ng pandemya ay maraming nabago sa buhay ng mga tao, may hindi naging magandang naidulot para sa ilang indibidwal samantalang mayroong magandang naidulot rin para sa iilan. Simula nang magkaroon ng pandemya ay maraming tao at pamilya ang nagkasama-sama.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Instagram


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Instagram

Nabawi ang mga oras na dapat ay ilalaan sa anak ngunit nauuwi sa pagtatrabaho para din naman sa kapakanan at kinabukasan ng buong pamilya.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Instagram


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Instagram

Marami ang nabago, kung dati-rati malaya kang nakakapagtravel o nakakapagbakasyon sa mga lugar na naisin natin, ngayon hindi na ganun kadali dahil marami pang prosesong pagdadaanan.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Youtube

Ibinahagi ni Jodi na bago sila umalis ay kailangan muna nilang pumunta sa Mandaluyong upang magpatest at kumuha ng isang certificate na magmumula sa Red Cross na kung saan ito ang magpapatunay na wala silang dinadalang laganap na karamdaman.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Youtube

Ang mga ito ay naranasan ng mag-inang Jodi Sta. Maria at ng kaniyang anak na si Thirdy nang sila’y magbaksyon sa Tanzania, East Africa. Bagaman ang nasabing bakasyon ng mag-ina ay dapat nangyari noon pang araw ng Pasko at sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang anak na si Thirdy.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Youtube

Ibinahagi ni Jodi kamakailan lamang sa kaniyang pinakabagong vlog sa pamamagitan ng kaniyang YouTube channel ang mga naging karanasan nila sa kanilang bakasyon.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Youtube

Saad ni Jodi na malaki ang pinagbago sa paglalakbay sa ilalim ng “new normal” at kung paano sila nakalagpas sa mga pagsubok sa kinakaharap sa kabila ng pandemya para lang makapagbakasyon.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Youtube

Ikinuwento din ni Jodi na ito ang unang pagkakataon nilang mag-ina na puntahan at bisitahin ang Tanzania, East Africa. At gaya ng mga taong nagbabakasyon, ay sinulit nila ang oras upang makapagrelax, makapagpahinga, kumuha ng mga larawan at pagmasdan ang mga magagandang tanawin ng mundo sa kabila ng nararanasang pandemya.


Image courtesy: Jodi Sta. Maria/Youtube

Ang nasabing paglalakbay ay umabot ng mahigit 37 hours, lumipad mula Manila patungong Dubai patungong Zanzibar at patungong Dar Es Salaam sa Tanzania. Matagal, malayo at nakakapagod man ang biyahe ay hindi pa din mapapantayan ang saya na naidulot nito kay Jodi at Thirdy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *