Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Ibinahagi ang mga “Luxury Items” na Kanyang Nabili Para sa Sarili na Matagal na Niyang Pangarap

Ang bawat isa sa atin, kapag nagdiriwang ng kaarawan ay may kanya-kanyang bagay na pangarap na regalo para sa ating mga sarili. Lalo na nga kung nakikita mong sa ginagawa mong pagsusumikap sa buhay, ay “deserve” mo din naman na regaluhan ang sarili ng mga bagay, na matagal mo ng gusting makamtan.




At hindi nga naiiba sa atin ang actress-vlogger na si Ivana Alawi, dahil maging siya ay may nais ding regalo sa kanyang sarili sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Noon ngang ika-25 ng buwan ng Disyembre noong nakaraang taon, ay nagdiwang na ng kanyang ika-24 taong gulang nakaarawan ang Kapamilya actress-vlogger na si Ivana Alawi, kung saan sa mismong araw ng kanyang kaarawan, ay ibinahagi niya ang mga regalo na binili niya para sa kanyang sarili, na talagang noon pa man ay pangarap na niya at gustong-gusto na niyang magkaroon.

Sa latest vlog nga ni Ivana nito lamang nakaraan, ay ibinahagi niya ang mga bagay na kanyang binili para sa sarili, bilang regalo niya sa kanyang kaarawan, kasabay din nito, ang pagbubukas niya ng ilang mga regalo na kanyang natanggap mula sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Makikita nga sa unang bahagi ng vlog ni Ivana, na bago magsimula ang actress, ay dinalhan muna siya ng kanyang ina ng paborito niyang mga pagkain, tulad ng graham cake at leche flan, para maging comfort food niya habang siya’y nagba-vlog.

“My Mama makes the best leche flan. Perfect talaga gumawa si Mama ng lehe flan. Itong graham naman binebenta ni Mama ‘toj”, naging saad ni Ivana na kitang kita ang saya dahil sa pagkaing ibinigay ng ina.




Pabulong namang sinabi ng mommy ni Ivana, na sa mga simpleng bagay lamang tulad ng kanyang ginawang pagbibigay ng pagkain sa anak, ay talagang nasisiyahan na ito.

“Ang babaw ng kaligayahan niyan. Mga ganyan lang masayang-masaya na ‘yan.”
Agad naman itong sinagot ni Ivana na, “Thanks, Mom. Your’e the best.”

Samantala, ng simulan na nga ni Ivana, ang pagbubukas ng mga natanggap niyang regalo, ay bumungad sa kanya ang mga luxury bags, watch, at 18-carat gold bracelet.

Ayon naman ni Ivana, ay hindi talaga siya mahilig sa mga expensive stuff dahil talagang napaka-simple niyang tao, ngunit dahil sa kaarawan niya, ay naisipan niyang bilhin ang ilan sa mga matatagal na niyang pangarap na magkaroon siya sa kanyang sarili.

“Ito ang inaabangan ni Moana kasi ‘pag Christmas – kunwari magbi-birthday na ako, lagi akong bumibili ng mga sapatos – ‘yung mga gusto ko. So ayan, this is a gift to myself”, ani ni Ivana.

Ang mga binili nga ni Ivana para sa kanyang sarili ay 4 na pares ng high-heeled shoes, na ang mga brand ay Rene Caovillas at ang white and gold-colored Dior sneakers.

Si Ivana Alawi ang isa sa pinaka-popular na YouTube vlogger sa ating bansa. Ang kanyang YouTube channel ay mayroon ng 10.5 milyong mga subscribers.




error: Content is protected !!