Ito na ngayon ang buhay ng sikat na Taekwondo Philippine Team Athlete na si Japoy Lizardo

Ano mang naisin, kahiligan at gustuhin natin sa buhay ay hindi natin ito tinitigilan hanggang sa maabot at marating natin ang mga ito. Tiwala, determinasyon at disiplina sa sarili ang ating kailangan para sa mga mithiin at pangarap natin sa buhay.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Huwag kang titigil na mangarap at pagsikapang abutin ito upang mas lalo kang maging mahusay sa bagay na napili mong gawin. Ito ay pinatunayan ni Japoy Lizardo na sa murang edad na labing isang taong gulang ay nakahiligan na ang sport na Taekwondo.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Dahil dito, hindi tumigil si Japoy sa pag-eensayo na kung saan ay naging daan ito upang mas lalo siyang maging mahusay sa kaniyang napiling karera ng buhay. Hindi nagtagal, ay inabot lang ng dalawang taon ay nakuha niya na ang katas ng kaniyang pinaghirapan, kung saan ay napasama siya sa Philippine Black Belt Contingent.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Ang kaniyang sipag at tiyaga ay biniyayaan ng maraming mga parangal at hindi lang iyon, dahil nang tumuntong siya sa edad na labing walong taong gulang ay napasama siya sa senior national team.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Nakilala din ang kaniyang husay sa pagtataekwondo sa Asian Games at hanggang sa makarating sa Southeast Asian Games na kung saan ay nakasungkit din siya ng mga gantimpala.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Hindi lang sa mundo ng pagiging taekwondo practitioner nakilala si Japoy, dahil nakilala din siya bilang isang mahusay na aktor at commercial model.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Ang naging kabiyak ni Japoy ay si Janice Lagman Lizardo na isa ring coach ng UP Taekwondo Poomsae Varsity Team. Talaga namang pinagtagpo at itinadhana ang dalawa.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Dahil sa kanilang propesyon ay hindi maipagkakaila na talaga namang ipapamana nila ito sa kanilang mga anak dahil ngayon palang ay sinasanay na nila ang mga ito.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Sa isang Instagram post ng anak nina Japoy at Janice na si Jace Alonzo ay makikita ang isang family picture na kung saan lahat sila ay nakasuot ng uniporme ng isang taekwondo player.


Image courtesy: Japoy Lizardo/Instagram

Makikita sa nasabing larawan ang saya ng kanilang pamilya at kung paano nila palakihin at maagang suportahan at sanayin ang kanilang anak sa kanilang kinahiligan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *