Ito na ngayon ang buhay ng dating Wowowee Dancer na si Rr Enriquez na isang ganap nang negosyante ngayon

Sino ba ang makakalimot sa sikat at napakagandang dancer ng wowowee na si RR Enriquez na talaga namang hinangaan ng nakararami dahil sa husay at galing niya sa pagsayaw noon bilang dancer sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee na ang host ay si Willie Revillame.


Image courtesy: Rr Enriquez/Instagram

Ngunit ganoon pa man, ay nagawa paring lisanin noong 2011 ni RR Enriquez ang kaniyang nasimulang karera sa mundo ng showbusiness, dahil mas pinili nitong gawin ang mga bagay na magbibigay sa kanya ng saya at ang pinakaninanais niyang gawin sa kanyang buhay.


Image courtesy: Rr Enriquez/Instagram

Dahil sa taglay niyang ganda at talino ay pinasok niya ang mundo ng business kung saan mas binigyan niya ng pansin ang skincare sa taong 2012 at talaga namang sumikat agad ito.


Image courtesy: Rr Enriquez/Instagram

Makikita naman na hindi niya pinagsisisihan ang naging desisyon niyang lisanin ang mundo ng showbusiness, dahil sa ngayon ay isa na siyang kilala at matagumpay na businesswoman at CEO ng kaniyang sariling skincare product.


Image courtesy: Rr Enriquez/Instagram

Ang nasabing skincare business ay Laser Center at Rejuva Aesthetic na matatagpuan sa Cavite, kung saan ay kasama niya sa nasabing negosyo ang kaniyang matagal niyang karelasyon na si Jayjay Helterbrand, na isang PBA Player ng Team Barangay Ginebra.

Kaya naman noong makapanayam ang dating dancer tungkol sa kaniyang negosyo ay sinabi niyang hands-on siya sa pag-aasikaso nito, kaya kitang-kita ang saya niya sa pamamalakad at sa paglago nito.


Image courtesy: Rr Enriquez/Instagram

Isa mang matagumpay na businesswoman si RR ay hindi niya parin nakakalimutan ang pagiging humble at sobrang simple. Hindi lang sa kaniyang pamamalakad naging maganda at umasenso ang kaniyang negosyo kundi dahil narin sa mga taong umaalalay sa kaniya at isa na rito ay ang kaniyang mga empleyado. Kaya naman binigyan ni RR ang lahat ng nararapat para sa kaniyang mga empleyado.


Image courtesy: Rr Enriquez/Instagram

Maituturing na aral sa lahat ng tao na huwag matakot sumubok sa mga bagay na ninanais mong gawin at gusto mong tahakin sa buhay. Anumang unos at pagsubok ang dumating, matuto tayong lumaban at pagtrabahuan ng maayos at marangal ang mga bagay na gusto nating gawin at makamit sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *