Ito na ngayon ang buhay ng dating sikat na childstar na si Ella Guevara na mas pokus na sa kaniyang pag-aaral

Kahit sino sa atin ay may hinahangaang mga artista pagdating sa mundo ng showbusiness, hinahangaan natin ang kanilang galing sa pag-arte, ang kanilang angking kagandahan at kagwapuhan maging ang kanilang angking kakyutan. Sinusubaybayan natin ang kanilang paglabas sa mga iba’t ibang pelikula na kanilang pinagbibidahan.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Sino nga ba ang makakalimot at hindi makakakilala sa sobrang cute na batang si Ella Guevara ng kaniyang henerasyon o mas kilalang si Janella Denise Yuson Guevara sa totoong buhay na talaga namang kinilala ang kaniyang husay sa pag-arte.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Pinasok ni Ella ang mundo ng showbusiness sa edad na anim na taong gulang, kung saan una siyang nakita ng sumali siya reality talent show ng Kapuson network na Starstruck Kids. Hindi man pinalad para mauwi ang ang nasabing titulo binuhos niya naman ang kaniyang buong husay at talento sa pag-arte kaya naman dumagsa ang iba’t ibang proyekto sa kaniya.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Dahil sa nakitaan siya ng galing at talento bilang isang artista, kaya itinanghal siya at nakuha ang parangal bilang isang Best Child Actress ng limang magkakasunod na taon.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Dahil dito ay mas lalong pinagbutihan at mas lalong ginalingan ang kaniyang husay sa pag-arte kaya mas lalong nakilala siya ng publiko. Nakakuha rin siya ng parangal sa Metro Manila Film Festival (MMFF) bilang Best Child Performer of the year noong taong 2004.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Ginawaran din siya ng iba’t ibang klase ng parangal, kabilang na dito ang Most Popular Child Actress noong taong 2005 sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation, Best Child Actress of the Year 2006 (FAMAS Awards) at naging Most Popular Child Actress na nakuha sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards noong taoong 2007.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Ngunit sa kabila ng kaniyang matagumpay na karera sa mundo ng showbusiness ay nagawa pa ring lisanin ni Ella Guevara ang pagiging artista. Upang ipagpatuloy at magpokus sa kaniyang pag-aaral.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Ngunit sa kabila ng kaniyang matagumpay na karera sa mundo ng showbusiness ay nagawa pa ring lisanin ni Ella Guevara ang pagiging artista. Upang ipagpatuloy at magpokus sa kaniyang pag-aaral.


Image courtesy: Ella Guevara/Instagram

Sa ngayon ay isa siyang full-time student ng University of the Philippines sa kursong Bachelor of Arts major in Multimedia Studies. Ang oras ni Ella ay hindi lamang nakatuon sa pag-aaral kundi pati na rin sa pagtulong sa kapwa.

Sa ngayon ay isa siya sa mga miyembro ng Red Cross matapos siyang sumali sa Red Cross Junior Volunteer. Dahil dito ay sobrang proud ang mga magulang ni Ella sa kaniyang mga narating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *