Ito na Ngayon ang Buhay ng Dating Sikat na Aktor na si Jao Mapa na isa na Ngayong Ganap na Pintor

Sino nga ba ang makakalimot sa isa sa mga gwapong naging pang-apat na miyembro ng grupong 90’s na gwapings na si Jao Mapa. Si Jose Vicente D. Mapa o mas kilala na si Jao Mapa ay isang kilala at sikat na aktor, host at commercial model.

Unang umosbong ang karera ni Jao sa mundo ng showbiz noong naging isang commercial model siya ng Pepsi-Cola. Pagkatapos nito ay naging co-host din siya ng mga kilala at panghapong palabas na Eat Bulaga at ASAP.

Una niyang pinagbidahan ang pelikulang pinamagatang “Pare Ko” noong taong 1995. Dahil dito, ay lubusan na siyang nakilala at sumikat sa mundo ng showbiz industry. Dahil narin sa kaniyang husay at talento sa pag-arte ay kaliwa’t kanan ang kaniyang mga pelikula.

Tumatak sa maraming mga Pilipino ang ilan sa kaniyang mga nagawang pelikula na pinamagatang, Baler, Tunay na Mahal, Maalaala Mo Kaya: The Movie at marami pang iba. Hindi nagdalawang si Jao Mapa na lisanin niya ang mundo ng showbiz noong taon 2000, upang mag aral muli at kumuha ng degree sa kursong Fine Arts Major in Advertising sa University of Santo Tomas.

Dahil sa kaniyang dedikasyon sa pag-aaral, ay nakapagtapos siya sa kaniyang kurso noong taong 2003 at ipinagpatuloy ang pagpinta na kung saan ay nagkaroon siya ng kaniyang unang major show ang kaniyang naipinta sa Grey Gallery sa Antipolo, Rizal noong 2012.

Pagkalipas ng ilang taong pagkawala niya sa mundo ng showbiz, ay muling nasilayan at nakita muli ang husay ni Jao Mapa sa pag-arte ng mag guest ito sa seryeng “FPJ, Ang Probinsiyano.”

Ito na ang simula ng pagbabalik muli ni Jao Mapa sa Industriya ng showbiz at ngayon ay nasa ilalim na siya ng pamumuno ng bagong management.

Maliban sa pagiging aktor ay abala rin siya ngayon sa kaniyang magiging exhibits upang ipakita ang kaniyang obra maestra bilang isang pintor.

Kahit na abala sa trabaho ay hindi parin nakakalimutan ni Jao Mapa ang tungkulin niya sa kaniyang pamilya. Katuwang ni Jao ang kaniyang asawang si Cecille sa pag-aasikaso ng kaniyang pamilya at mga anak.

Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Benjamin, Caleb, at Amber Marie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *