Ito na ngayon ang bagong buhay ng sikat na dancer na si Luningning matapos lisanin ang mundo ng entertainment

Hindi lahat ng ating nakasanayan sa mundo ay panghabambuhay na natin kaagapay hanggang sa tayo ay tumanda. Minsan mabibigla na lamang tayo na ang lahat ng mga gawain na ating pinagkakaabalahan ay bigla na lang mawawala kung kaya maghahanap tayo ng isang bagay na pwede ulit natin pagkaabalahan at pagkakitaan.


Image courtesy: Luningning/Instagram

Hindi porket komportable ka na ay matatag na ang iyong pinagkakakitaan. Dahil ang lahat ng ito sa isang iglap ay pwedeng mawala.


Image courtesy: Luningning/Instagram

Ngunit tayo ay mga Pinoy na kahit ano pa man ang mga pagsubok na ating maranasan o mangyari sa buhay ay makakahanap at makakahanap tayo ng paraan upang bumangon at mas maging magandang bersyon tayo ng nauna nating sarili. Tulad na lamang ng dating kinagigiliwan natin na dancer sa programang Wowowee na si Luningning.


Image courtesy: Luningning/Instagram


Image courtesy: Luningning/Instagram

Si Lea Carla o mas kilala sa pangalan na Luningning sa Wowowee noon ay madaming tao na ang napahanga at napasaya dahil sa taglay nitong kagalingan sa pagsayaw. Sa tuwing lalabas na umano siya sa entablado ay hindi na magkandamayaw ang mga manunuod at tagahanga niya.


Image courtesy: Luningning/Instagram


Image courtesy: Luningning/Instagram

Sa pag split, cartwheel at pag kembot sa bawat kanta ay madaming mga Pilipino ang napapaindak sa kaniya. Sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ni Luningning ay bigla na lamang ito naglaho nang hindi na mag ere ang programa na kanyang kinabibilangan.


Image courtesy: Luningning/Instagram

Ilang taon na ang nakalipas wala tayo naging balita sa kanya ngunit malaking pasasalamat na lang talaga dahil sa panahon ngayon ay madali na lang hanapin ang tao na ating gusto makita sa pamamagitan ng social media.


Image courtesy: Luningning/Instagram

Makikita sa kanyang profile na mas pinili na lamang ni Luningning na mamuhay ng simple at magtayo ng sariling negosyo. Hindi naman nalalayo ang kanyang negosyo sa kanyang talento dahil ito ay isang fitness studio na kung saan nagtuturo siya ng mga lesson upang mapanatili ang magandang hubog ng katawan at mapanatili din ang pagiging healthy ng kanyang mga kliyente.


Image courtesy: Luningning/Instagram


Image courtesy: Luningning/Instagram

Sa kasalukuyan masaya na namumuhay si Luningning kahit na hindi pa niya nakikilala si Mr. Right at kapansin pansin pa din ang walang pagbabago sa kanyang kagandahan lalo na ang kanyang magandang hubog na katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *