Stories
Isang Lolo na Naglakad mula Pampanga na Patungo ng Cubao, Quezon City Pinasakay ng isang doktor na “Good Samaritan”

Naging limitado ang mga sasakyan ngayong pandemiya. Kaya ito ay nag-dulot sa tao ng kahirapan sa pagbiyahe sa loob man o labas ng bansa. Sa kabilang banda, sa ganitong pagkakataon din nakikita natin ang mga taong lubos na tumutulong sa iba. Katulad ng isang doktor ang nag-viral ngayon sa social media dahil sa kaniyang pagiging “Good Samaritan”.
Siya ay isang doktor ng Philippine General Hospital na si Sherwin Enriquez. Ibinahagi niya sa social media ang video na ng isang matandang lalaki na naglakad lamang sa kahabaan ng Pampanga makarating lang sa kaniyang pupuntahan.
Ayon kay Sherwin, habang nagmamaneho siya papuntang Maynila para kumuha ng mga donasyon para sa kanilang fundraising ay nadaanan niya ang Lolo itong. Kaya na makita siya ni Sherwin ay agad niya itong kinausap.
Tinanong siya ni Sherwin kung saan ito pupunta at sinabi ng Lolo na siya ay papuntang Cubao, Quezon City. Napag-alaman ni Sherwin na kaya ito pupunta ng Maynila ay para humingi ng tulong sa kaniyang kapatid.
Sinabi ng Lolo na siya ay naglakad lamang mula sa kaniyang pinanggalingan dahil na rin sa walang masakyan dahil sa pinag-igting na community quarantine. Kaya nang malaman ni Sherwin ang kaniyang sitwasyon ay agad niya itong inalok na sumakay sa kaniyang kotse upang maihatid sa kaniyang pupuntahan.
Mababakas sa mukha ng Lolo ang emosyonal nitong reaksiyon ng alukin siya ng libreng sakay at sinabi niyang madumi ang kaniyang tsinelas kaya nahihiya siyang sumakay. Pero hindi na ito alintana kay Sherwin dahil ang importante sa kaniya ay ang matulungan niya ito.
Napansin din Sherwin ang isang nabalatan na manga hawak nito, ayon sa matanda ito ay kaniyang napitas lamang at ito na ang kaniyang naging pagkain sa kaniyang paglalakbay.
Ayon sa post ng doktor, “I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping”.
Kaya ng makarating sila ng NLEX Bocaue Toll Gate Office, ay nag-desisyon na lamang si Sherwin na ipaubaya na muna siya sa mga otoridad upang mas mabigyan siya ng nararapat na tulong. Dahil na rin sa community quarantine kaya naisipan niya itong gawin.
Bago naman ibinigay ni Sherwin ang Lolo sa mga otoridad ay pinabaunan niya ito ng pagkain at pera upang kahit papaano ay makatulong sa kaniyang pag-uwi.
Sadyang napakabuti ni Doc Sherwin, dahil inisip niya ang kalagayan ng Lolo na sa kabila ng kaniyang edad ay nagawa pa niyang maglakad ng ganoong kalayo. Tunay ngang siya ay isang “Good Samaritan”, nawa’y marami pa ang katulad ni Doc Sherwin.
