Connect with us

Stories

Isang Lolo na Nagbebenta ng Basahan sa Kalye Binigyan ng Sari- sari Store ni Raffy Tulfo

Ang nag-trending na isang Lolo na naglalako ng mga basahan sa kalye. Siya ay nahandugan ng masayang pamasko ni Raffy Tulfo mula sa kaniyang segment na “Raffy Tulfo in Action”.




Ang Lolo na ito ay nakapanayam mismo ni Raffy Tulfo, dahil na rin sa nagpost ng video nito sa social media at inilapit ito sa kanilang programa upang mabigyan ng tulong ang matanda.

Ang Lolong ito ay si Armando Marcelo, siya ay naglalako lamang ng mga basahan sa kalye ng Pasig City. Dahil na rin sa isang netizen na nagpost ng kaniyang video sa social media marami ang naawa sa kaniyang kalagayan.

Sa post na ito, makikitang hirap na hirap na sa paglalakad si Lolo Armando ngunit hindi ito alintana sa kaniya dahil na rin sa kagustuhan niyang kumita. Kaya ang mga netizens ay inilapit siya sa “Raffy Tulfo in Action”, pag-viral nito sa social media ay agad siyang pinahanap ni Raffy Tulfo at agad din siyang nakapanayam.

Ayon kay Lolo Armando, siya ay na-mild stroke noong 2017 at naoperahan ito sa bituka kaya ito ang naging dahilan kung kaya’t siya ay hirap na sa paglalakad at hirap na ding maigalaw ang bahagi ng kaniyang katawan. Ngunit sa kabila ng kaniyang kalagayan nagagawa niya pa rin ang maglako sa kalye. Si Lolo Armando ay nakikitira lamang sa kaniyang pamangkin na nangungupahan din.

Sa panayam sa kaniya ni Raffy Tulfo, tinanong siya nito kung ano ang gusto niyang maging hanapbuhay na hindi na siya aalis pa ng bahay upang maglako sa kalye kung saan pwede pa siyang magkasakit lalo pa’t pandemiya.




Sinabi ni Lolo Armando na ang gusto niya ay isang tindahan sa harap na kaniyang tinutuluyan kung saan doon na lamang siya magtitinda upang hindi na siya pumunta pa ng Pasig upang maglako.Inspiring

Ibinahagi rin ni Lolo Armando ang kaniyang sirang sapatos na pinapasok na ng tubig at maliliit na bato, kaya pinangakuan siya ni Raffy Tulfo na bibilhan siya ng maraming sapatos upang hindi na siya mahirapan sa paglalakad. Kaya ang team ng “Raffy Tulfo in Action” ay hinanapan kaagad si Lolo

Armando ng bahay na malilipatan kung saan andoon na rin ang kaniyang magiging sari-sari store. Binigyan din nila si Lolo Armando ng mga grocery items na kanilang gagamitin sa pang-araw-araw kasama ang pamangkin nito na tumulong sa kaniya.

Ang sari-sari store ni Lolo Armando ay agad na sinimulan, lahat ng gastusin sa pagpapagawa nito pati na rin ang mga magiging lamang ng tindahan ay sinagot na ni Raffy Tulfo. Hindi lang iyon ang natanggap ni Lolo Armando, siya rin ay ipinagamot sa espesyalista upang masuri ang kaniyang kalusugan at binigyan rin nila ito ng mga gamot para sa naging resulta ng kaniyang pagpapatingin.




Tinupad naman ni Raffy Tulfo ang pangako niyang bibigyan niya ng bagong sapatos si Lolo Armando at hindi lang iyon pati na rin ng mga bagong damit.

Matapos lamang ang ilang araw ay nagawa na agad ang munting tindahan ni Lolo Armando. Sa tulong na rin ng kaniyang mga kapitbahay ay agad ding natapos ang paglalagay ng mga paninda nito sa loob ng tindahan.

Sa pagbubukas ng sari-sari store ni Lolo Armando ay ibinahagi niya ang loob ng kaniyang munting tindahan upang maipakita ang naging tulong sa kaniya.

Pati na rin ang paninirahan niya sa unang anim na buwan sa bago niyang tirahan ay sinagot na rin ni Raffy Tulfo. Kaya ngayon hindi na kailangan pa ni Lolo Armando ang magbenta sa kalye upang mabuhay, bagkus pwede na siyang manatili sa bago niyang tirahan kung saan doon na rin siya maghahanapbuhay.

Abot langit ang kasiyahan ni Lolo Armando dahil sa masayang pamasko na kaniyang natanggap.

Lubos siya ng nagpapasalamat kay Raffy Tulfo at sa team nito sa maraming tulong na kaniyang natamasa ngayon. Tunay ngang ang pagbibigay ng tulong sa kapwa ay nagiging hudyat ng malaking pagbabago sa buhay. Nawa’y ang “Raffy Tulfo in Action” ay mas marami pang matulungan.




error: Content is protected !!