Connect with us

Stories

Isang Lalaking Topnotcher sa Civil Engineering exam, Naging Waiter muna at Construction Worker Makatapos lang ng Pag-aaral

Maraming tao ang nagsusumikap upang makapagtapos lamang ng pag-aaral. Kahit anong trabaho habang nag-aaral ay ginagawa upang may pang supporta lamang sa kanilang pag-aaral. May estudyanteng nagiging working student dahil gusto nilang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kahit mahirap ipagsabay ang pagtatrabaho sa pag-aaral ay may iba pa rin na nagagawa ito.




Isa na rito ang kwento ng isang working student sa mga iba’t iba niyang naging trabaho. Ang lalaking ito ay sumasalalim sa pagsisikap at determinasyon upang makatulong sa kaniyang pamilya at pag-aaral.

Ang lalaking ito ay si Jobert Dela Cruz, dahil sa kaniyang pagsusumikap at kaniyang pinatunayan na hindi kailanman hadlang ang kahirapan upang makamit ang tagumpay sa buhay. Sari-sari ang naging trabaho ni Jobert habang siya ay nag-aaral.

Pinasok niya ang pagiging karpintero bilang katulong siya ng kaniyang ama sa pagkakarpintero, naging isa rin siya factory worker at naging isang service crew sa isang fast food restaurant.

Natigil si Jobert ng kaniyang unang tao sa kolehiyo dahil sa kapupusan sa buhay, kung kaya’t siya naghanap ng anumang uri ng trabaho upang matulungan ang kaniyang pamilya at matustusan ang kaniyang pag-aaral muli. Nagsimula si Jobert bilang katulong ng kaniyang ama sa pagkakarpintero upang makatulong sa kanilang mga gastusin at upang makapag-ipon rin siya ng kaniyang pang enroll sa kolehiyo.

Sa pagsisimula niya sa kaniyang paglalakbay sa kolehiyo hindi niya agad nakuha ang kursong Civil Engineering dahil naging mababa ang kaniya marka noong siya ay highschool. Ngunit hindi naman siya sumuko dahil nag-enroll na lang siya ng kursong BS Industrial Technology major in Civil Technology.




Nung una, naipasa ni Jobert ang kaniyang mga subjects sa kaniyang first semester. Sadyang sinubok siya ng kapalaran dahil dumaan sa matinding pagsubok ang kaniyang pamilya. Nasunog ang kanilang ang bahay at wala silang natirang gamit na kanilang pinundar. Ngunit, hindi nawalan ng pag-asa si Jobert nanatili siyang determinado na makapagtapos ng pag-aaral.

Panibagong pagsubok na naman ang sumukat sa katatagan ni Jobert dahil siya ay nadiagnose na may appendicitis at kinailangan siyang maoperahan kaya ang kaniyang pamilya ay nangutang ng pera para sa kaniyang pagpapagamot kung kaya’t lalo silang nalubog sa utang.

Kaya dahil na rin nangyari hindi na kinaya ng kaniyang mga magulang na siya suportahan pa ang kaniyang pagkokolehiyo. Kung kaya’t siya nagdesisyon na huminto na lamang muna sa pag-aaral. Siya ay nagtrabaho sa isang factory upang matulungan ang kaniyang pamilya na makabayad sa kanilang pagkaka-utang.

Kahit kakarampot lamang ang kaniyang sweldo nakapag-ipon pa rin si Jobert upang makapag-aral siyang muli sa kolehiyo. Sa kaniyang pagbabalik kolehiyo nakuha na niya ang kursong kaniyang gustong-gusto, siya ay nag-aral ng Civil Engineering sa University of Cebu.

Dahil sa maraming gastusin sa kaniyang kurso, nagtrabaho siya bilang isang service crew sa Jollibee. Pinagsasabay niya ang kaniyang pag-aaral sa kaniyang partime job. Dumating talaga sa puntong nahirapan siyang ipagsabay ang kaniyang pag-aaral at kaniyang trabaho kung kaya’t nagdesisyon siyang bitiwan muna ang iba niyang mga subjects dahil na rin sa lagi siyang gahol sa oras.




Ika nga niya, “I have failed some of my subjects and even dropped some. Actually my grades in college are majority 3.0 equivalent to 75%. During that time my only goal is just to pass the subjects even I do not gain much knowledge. I’m always on survival mode.”

Dagdag pa niya, naranasan niyang Php20.00 lamang ang laman ng kaniyang bulsa pagpasok niya sa eskwela para sa kaniya ito isa sa mga naging struggles niya sa buhay. Hanggang sa nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil na rin sa kaniyang pagsisikap. Pagkatapos ng kaniyang graduation, ay nagreview agad si Jobert upang tuloy-tuloy ang pag-abot niya sa kaniyang mga pangarap.

Dahil na rin sa kakulangan sa budget hindi rin nagawang mag-enroll ni Jobert sa Engineering Review and Training Center. Ngunit ng makilala niya si Engr. Chrysler Duaso isang lecturer sa training center ay nakapag-review siya ng libre dahil sa nakitang pagpupursige at determinasyon nito.

Talagang nagsakripisyo si Jobert para lamang sa kaniyang pagrereview dahil siya namamasahe sa bawat araw ng kaniyang pagrereview. Dahil na rin sa hindi kaya ng kaniynag budget ang mangupahan. Hanggang sa dumating na resulta ng kaniyang board exam laking gulat at tuwa niya ng ipaalam agad sa kaniya na siya topnotchers ng Civil Engineering Board Exam.

Ito na lamang ang kaniyang nasabi sa kaniyang nakamit na tagumpay, “Honestly, I really believe on signs that God sends us. Every time I go out of our house before the results of the board, I saw this bible verse on some streets in Cebu, “Trust in the Lord with all of your heart and lean not on your own understanding.”

“In all your ways submit to Him, and He will make your paths straight Proverbs 3:5-6.” My girlfriend messaged this bible verse to me the day before the board exam, and it really gives me goose bumps until now.”

Marami ang nagbukas ng opurtunidad para sa kaniyang pagtatrabaho bilang isa ng engineer. Ang kaniyang naging pagsisikap, determinasyon at higit sa lahat ang kaniyang paniniwalang hindi siya kailanman pababayaan ng Diyos, ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataon upang makamit niya ang kaniyang mga pangarap.



Sa kaniyang pagtatagumpay ito ang kaniyang naging pasasalamat,

“I owe this to God. Without Him I am nothing, and of course to my loved ones and friends who supported me during my hard times.”

error: Content is protected !!