Isang lalaking Nagnakaw sa Isang Grocery Store ng Gatas at Diaper, Binigyan ng Tulong ng mga Netizens

Bilang isang magulang lahat ay gagawin para sa kanilang pamilya higit sa lahat para sa anak. Mga pagsasakripisyo ay kanilang ginagawa upang matugunan lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya.




Kahit dumarating na sa punto na sila ay nakagagawa na ng masama. Dulot na rin ng kahirapan ng buhay kaya may mga magulang talagang gumagawa ng masama para lang may ipakain sa pamilya.

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang lalaki na nahuli di-umano na nagtakang magnakaw sa isang grocery store sa Bonifacio, Global, Taguig City. Ang lalaking ito ay nagnakaw ng mga grocery items kagaya ng 1 malaking balot ng diaper, 1 balot ng hotdog, 3 kahon ng gatas pang-bata, 1 balot ng regular gatas, 10 paketeng 3-in-coffee at pati na rin 1 air freshener.

Ang kaniyang mga nakuha ay nagkakahalaga ng Php3,500.

Ayon sa pulisya, sa kanilang pag-iimbestiga dali-dali raw na lumabas ang lalaki sa grocery store na dala-dala ang kaniyang mga nakuhang items na hindi naman daw siya dumaan sa cashier upang magbayad. Kaya nung mapansin siya ng gwardiya ay agad siya nitong hiningian ng resibo ng mga items na kaniyang dala-dala.

Ngunit wala itong maipakitang resibo kaya agad siyang hinuli at dinala sa Police Station ng Taguig kung saan siya sinampahan ng kasong pagnanakaw.

Ang insidenteng ito ay naging laman ng mga balita, kaya ang mga netizens imbis na magalit, ay awa ang kanilang naramdaman sa lalaki. Kaya inulan ang lalaki ng tulong mula sa mga netizens na naawa sa kaniyang kalagayan.




Ayon pa sa mga netizens, kaya lamang ito nagawa ng lalaki ay dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Marahil dala na rin ng kanilang mga pangangailangan nung araw ding iyon. Higit sa lahat marahil wala itong trabaho at pera na maibibili ng mga pangangailangan ng kaniyang pamilya kaya niya ito nagawa.

Dahil sa kaniyang naging kalagayan ang mga netizens ay nagpa-abot ng tulong para sa lalaki at sa pamilya nito. Ang karamihan ay nagbigay ng pinansiyal na tulong at mga pagkain para sa kanilang pang-araw-araw.

Kaya ang mga netizens ay nagpakita ng kanilang pagsuporta sa lalaki. Kung saan makikita ang kanilang mga samu’t saring komento na nagpapakita kung paano naantig ang kanilang damdamin dahil sa nangyari sa lalaki.

Ang lalaki ay naging ama lamang para sa kaniyang mga anak. Lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit nakagagawa ang tao ng masama. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ito ang magiging basehan upang sila ay husgahan. Hindi man magandang pangyayari sa buhay ngunit sa kabilang banda ay may aral pa ring matatagpuan.