Stories
Isang Lalaki sa Negros Occidental na Nakahukay ng Lumang Japanese Money Napapalitan niya pa ng Mahigit 22,000 Pesos

May isang lalaki ang usap-usapan ngayon sa social media patungkol sa kaniyang nahukay na lumang pera ng Japanese Government. Itong kaniyang kwento ay naitampok sa sa social media sa facebook group ng “Memories of Old Manila”. Magkano nga kaya ang halaga ngayon ng mga Japanese Money na kaniyang nahukay?
Ang lalaking ito ay si Carlito Gajo na taga Negros Occidental, siya ay nakahukay ng isang kahon na ang laman puro lumang perang papel at lumang perang barya na Japanese Money. Ayon kay Carlito umaasa siya na may halaga pa ang mga Japanese Money na kaniyang nahukay para sa gastusin ng kaniyang asawang may sakit na Lupus.
Dagdag pa niya, kung sakaling may halaga pa ang mga ito ay ipambabayad din daw niya ito a kanilang mga utang. Halos mangiyak-ngiyak si Carlito habang sinabi ang mga ito dahil baka ito na rin ang kanilang swerte upang makaahon sila sa hirap.
Kaya naitampok sa “Kapuso Mo Jessica Soho” ang kaniyang kwento na may pag-asang matulungan siya nito na malaman kung nasa magkanong halaga pa ang hawak niyang Japanese Money. Ayon sa isang historian na si Modesto P. Saunoy ang mga perang papel na naiwan pa kay Carlito ay isang Japanese Invasion Money.
Ipinakalat at ipinamimigay daw ito ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaan sa mga Pilipino at kapag hindi nila ito tinatanggap ay hinuhuli sila.
Ayon naman sa isang eksperto sa pera na si Emerito Montero, ang hawak niyang mga lumang pera ay mabibilang sa “collector’s item” na ang bawat piraso ay may halagang Php50 hanggang Php100 ngunit dahil sa may sira na rin ang iba sa mga ito baka abutin na lamang daw ito ng Php20 ang bawat piraso.
Nabanggit ni Carlito na may mga kasama pa itong mga lumang barya na kaniya ng naibenta sa halagang Php22,100 na may kasamang pera papel na may kulay dilaw ang itsura. Kaya’t tinanong siya ni Emerito kung ano ang itsura ng mga baryang kaniyang ibinenta sa alahera at sinabi sa kaniya na ang mga lumang baryang kaniyang ibinenta ay maituturing na “rare item coins”. Ang halaga ng mga baryang ito ay humihigit sa Php30,000-Php50,000 ang bawat isa at ito ang tinatawag na “Alfonso Gold Coin”.
Dagdag pa ni Emerito, ang mga nasabing barya sa panahon ngayon ay maaari ng umaabot ng Php600,000 hanggang Php1,000,000 ang bawat isa. Kaya ang laking panghihinayang ni Carlito dito dahil hindi niya lubos akalain na ang magsasalba sa kanila sa kahirapan ay ang mga lumang baryang kaniyang naibenta sa mababa lamang na halaga.
Ngunit kahit ganoon pa man ang nangyari ay tinulungan pa rin siya ng programa ng “Kapuso Mo Jessica Soho” para sa isang buwang gamutan ng kaniyang asawa at ang pagpapatingin nito sa doktor.
Hindi naman masama ang umasa sa swerte, ngunit pagsikapan pa rin ang mga bagay na makakatulong upang umunlad ang sarili. Lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit ito nangyayari kung kaya’t huwag tayong Mapanghinaan ng loob dahil sabi nga nila habang may buhay ay laging may pag-asa.
