Stories
Isang Lalaki na Kinukutya Dahil sa Pangongolekta ng mga Gomang, Gulong Kumikita pala ng Limpak- Limpak na Salapi

Sa buhay kinakailangan na magtrabaho upang kumita ng pera upang may pangtustos sa bawat araw. Maraming mga tao ang nakararanas ng kahirapan dahil na rin sa kawalan ng trabaho. Kung kaya’t ang iba ay nag-iisip na lamang ng ibang paraan upang sila ay mabuhay.
Ang pagiging madiskarte ang nagbibigay ng maraming oppurtunidad sa tao upang umasenso.
Kahit sa simpleng pangangalakal ng recycled ng mga bagay ay malaki ang naitutulong nito upang kumita. Para sa ibang nakararanas ng kaginhawaan sa buhay ito ay katawa-tawa lamang sa kanila ang hindi nila alam ay may pera sa basura.
Isa na lamang dito ang isang lalaking nangongolekta lamang ng mga lumang gulong at ito ay kaniyang nire-recycled. Ang lalaking ito ay mula pa sa bansang Kenya na nakatira sa bandang Silangan ng Africa.
Ito ay kaniyang ginagawa na ‘Tire Sandals’ mula sa gulong na kaniyang pinupulot. Ang mga gulong na kaniyang kinokolekta ay sadyang napaka-tibay dahil nagagawa niya itong isang matibay na tsinelas, sandals pati na rin sapatos.
Ang mga gulong na kaniyang ginagamit ay ang mga patapon ng mga gulong na hindi na magagamit pang muli. Dahil dito, halos ito na rin ang naging hanapbuhay ng mga naninirahan rito, gumagawa sila ng mga gawang kamay na tsinelas, sandals at sapatos na mula sa mga gulong na kanilang nakokolekta. Ang tsinelas, sandals at sapatos na ito ay may kalidad dahil kaya nitong lakarin at takbuhin ang milya-milyang lugar, kaya rin itong tumagal hanggang 5 taon bago masira.
Ito ay bininenta nila ng wholesale sa merkado at ini-export na rin nila sa ibang bansa. Malaki rin ang naitutulong nito sa kanilang lugar nakakapag-bigay ito ng trabaho sa kanila komunidad.
Isa rin ito sa mga magandang paraan upang, mabawasan ang polusyon sa kapaligiran. Imbis na ito ay sunugin ginagawa na lamang nila itong tsinelas, sandals at sapatos, at ito ay kanilang ibinibenta upang sila ay kumita.
Kaya maganda ang naging diskarte ng lalaking ito upang kumita na malaki. Mula sa sitwasyong siya ay pinagtatawanan ngayon siya na ay kumikita ng malaking halaga dahil lamang sa pangongolekta niya ng gulong. Ang kanilang kultura sa paggawa ay naging sikat dahil sa kakaibang konsepto nito.
Ipinagmamalaki ng lalaki ang kaniyang gawang produkto mula sa gulong dahil marami na silang naging kostumer na gustong-gusto ang kanilang gawa dahil komportable ito sa paa kapag sinusuot.
Ang kanilang mga gawa ay naging inspirasyon ng maraming tao, dahil na rin sa naging diskarte nila upang kumita. Sadyang nakamamangha ang kanilang kasipagan at dedikasyon sa paggawa.
