Isang Hari at Reyna Namumuno sa Isang lugar sa Pilipinas na may Sariling Gawang Pera

Sa isang bansa, kinakailangan ang mga namumuno upang mapaunlad ang nasasakupan nito. Mga bansang ang namumuno ay isang Hari at Reyna o ang tinatawag na royal family. Sila ang namumuno sa kanilang sariling bansa at sinasalin rin nila sa kanilang mga anak at kaapo-apohan ang kanilang posisyon.




Dito sa ating bansang Pilipinas maliban sa presidente, mayroon pa palang ibang namumuno sa isang lugar sa Pilipinas.

Sila di-umano ay tinaguriang mga dugong bughaw dahil isang Hari at Reyna ang namumuno sa kanilang lugar.

Naging usap-usapan ito sa social media dahil sa kakaibang kwentong ito. Kaya ang mga netizens ay hindi rin talaga makapaniwala na mayroon pala ganun dito sa Pilipinas.

Ang nasabing lugar na ito ay mula sa Pala-o, Iligan City sa Mindanao ang mala-palasyo nilang pamahalaan.

Ang lugar di-umano na ito ay may sariling nasasakupang lugar, ito ang tinatawag nilang Kingdom Filipina Hacienda kung saan mayroon rin itong sariling kasaysayan ng Hari at Reyna ang namumuno.

Ang mas lalong nagpamahanga sa kanilang kakaibang lugar ay ang sarili nilang money currency na may mukha ng kanilang Hari at Reyna.

Ang perang ito ay tinatanggap din di-umano sa kanilang pamilihan. Ang pera ito kung titingnan ay parang hindi totoo o yung mga fake money dahil sa itsura nito.




Talagang nakamamangha ang kanila sariling pamumuno, bukod sa mayroon silang sariling money currency mayroon din silang sariling watawat na halos hindi nagkakalayo sa itsura ng watawat ng Pilipinas.

Ang kwentong ito ay minsan ng naipalabas sa “Kapuso Mo Jessica Soho”. Marami talaga ang mga netizens ang hindi makapaniwala. Bukod sa iisa lang ang pamahalaan ng bansang Pilipinas parang napaka-impossible na magkaroon ito ng iba pang mga tao na namumuno sa bansa.

Sa paniwala ng iba, sila yung mga taong tumitiwalag sa mismong pamahalaan ng Pilipinas kaya marahil sila ay nagtatag ng kanilang sariling pamahalaan upang sila lang ang masusunod.