Connect with us

Stories

Isang Fishball Vendor Napagtapos ang Kaniyang 4 na Anak sa Pag-aaral ng Kolehiyo

Ginagawa ng isang magulang ang lahat upang mapag-aral nila ang kanilang mga anak. Kayod-kalabaw ang kanilang ginagawa upang matugunan lamang ang lahat ng pangangailangan ng mga anak lalo pa’t kung ang mga anak ay nag-aaral. May isa kwento na naman ng kasipagaan bilang isang magulang ang nag-viral sa social media ngayon.




Ang tatay na ito ay isang fishball vendor lamang ngunit sa kaniyang kasipagaan at pagsisikap napagtapos niya ng kolehiyo ang kaniyang apat na anak.

Sinong magsasabi na ang nagbebenta lamang ng mga streetfoods ay magagawang mapagtapos ang kaniyang mga anak na may magaganda pang kursong natapos.

Ang kwento ng tatay na ito ay ibinahagi mismo ng kaniyang anak matapos nitong makapagtapos ng pag-aaral niya sa kolehiyo.

Ayon kay Girlie Versoza, na siya mismong nagbahagi ng kwento ng kaniyang ama. Likas na talagang masipag at matiyaga ang kaniyang mga magulang kahit noong mga bata pa sila, itinataguyod ng kanilang mga magulang ang kanilang pag-aaral.

Ayon pa sa kaniya elementary palang sila ay nagsimula ng magbenta ng mga street foods ang kaniyang mga magulang upang may panggastos sila sa kanilang pangangailangan.

Kaya daw noon, lagi silang kinukutya na kanilang mga kaklase dahil sa uri ng trabaho ng kanilang mga magulang. Ngunit hindi naman daw sila nagpapadala sa mga tukso ng kanilang mga kaklase dahil na rin sa payo ng kanilang mga magulang. Kaya hindi na lamang nila ito pinapansin.




Dagdag pa niya, hindi nila ikinahiya ang trabaho ng kanilang mga magulang dahil ang trabahong ito ang bumubuhay sa kanila noon at hanggang ngayon.

Kaya lubos ang pasasalamat ni Girlie sa pagsasakripisyo ng kaniyang mga magulang higit na rin sa kaniyang tatay na kahit may katandaan na ay nagagawa pa ring kumayod para mapagtapos lang silang apat na magkakapatid sa kolehiyo.

Ang kanilang tatay kasi ang mas madalas na lang na nagtatrabaho ngayon dahil na rin siguro sa kalusugan ng kaniyang nanay kaya mag-isa na lamang itong nagtatrabaho. Alam ni Girlie ang mga isinakripisyo ng kaniyang mga magulang upang maitaguyod lamang sila. Pagod, puyat at gutom ay tiniis ng kaniyang mga magulang upang mabigyan lamang sila ng magandang kinabukasan.

Kaya bilang isang pasasalamat sa kaniyang mga magulang ay pinost niya ito sa kaniyang facebook account, upang maibahagi sa iba kung gaano sila ka-proud na magkakapatid sa kanilang mga magulang. Sa pamamagitan rin nito ay naipayahag nila sa kung gaano nila kamahal ang kanilang tatay at nanay.

Walang magulang ang hindi magsasakripisyo para sa mga anak, kaya nawa’y maging inspirasyon sa bawat tao ang kwentong ito.



error: Content is protected !!