Isang Ama na Dala-dala ang Kaniyang Anak na Maliit Habang Nagbebenta ng lobo, naging Agaw Pansin sa mga Netizens

Ang pagiging isang magulang ay may kaakibat na pagsasakripisyo para sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Lahat ng paraan ay ginagawa ng isang magulang kung paano maalagaan ang kaniyang mga anak. Hindi lang ina ang maaaring gumawa ng ganitong responsibilidad kundi pati na rin ang haligi ng tahanan.




Tunghayan natin ang kwento ng isang ama bitbit ang kaniyang maliit na anak habang nagbebenta ng lobo. Ang kwentong ito ay nag-viral sa social media dahil sa isang netizen na nag-post nito sa facebook. Ang netizen na ito ay Jandale Gacasa Forrester, siya ay lubos na naawa sa kalagayan ng mag-ama.

Ayon kay Jandale, kinuhaan niya ito ng larawan upang mabigyan ng pansin at para matugunan na rin na tulong. Ang lalaking ito ay taga Cavite, trabaho niya ang pagbebenta ng mga lobo at meron siyang tatlong anak na sinusuportahan. Noong araw na makita siya ni Jandale kasama nito ang kaniyang maliit na anak na tila napagod sa paglalako kaya nag-pahinga na muna silang mag-ama. Kaya nilapitan niya ito at minabuti na makapanayam, ayon sa lalaki wala pa siyang benta kaya’t nag-pahinga na lang muna sila at kitang-kita sa larawan na sobrang antok na antok ang bata dahil napakahimbing ng tulog nito.

Ayon sa post ni Jandale na may caption na, “Di ko alam pero subra akong nahabag kay tatay… bukod sa nagtitinda sya kasama nya pa anak nya! God bless you tay masyado nyo sinaktan ang puso ko❤magiingat po kayo at ang anak nyo! Di nyo alintana ang panganip pero nag susumikap kayong itaguyod anak nyo😭 subra akong naiiyak🤗❤🙌🙏 GOD BLESSED YOU PO PLEASE PA SHARE NAMAN PO”




“May tatlo syang anak Sabi nya sakin taga cavite daw sya! Wala pa syang Benta KAYA nagpahinga lang daw muna sila kasi subrang inaantok ang Bata😭❤🙏🙌 God blessed you tay Buhusan nawa kayo ng madaming biyaya in Jesus name AMEN🙏”

Para kay Jandale ito ay lubos na pagsasakripisyo ng isang ama para sa kaniyang pamilya dahil imbis na sa bahay lang nananatili ang kaniyang anak ay dinala na lamang niya ito sa kadahilanan na rin sigurong walang mag-aalaga rito. Sobrang nadurog ang puso niya ng malaman ang kwento ng mag-ama, kaya ibinahagi niya ito sa kaniyang facebook upang mabigyan sila ng tulong.
Kaya ang mga netizens ay may mga madamdaming reaksiyon, kagaya na lamang ng mga ito.

“May awa po ang panginoon pag palain po kayo tiwala lang Laban lang”
“Ingat po kayo lagi ng anak nyo tay, Sana makabenta ka araw-araw”
“Napakasakit tingnan ang kalagayan ni tatay dala dala pa niya ang anak habang nag tinda siya sana lagi Niyo po siya ingatan, God lalo na yung bata”




Sa kabila na pandemiya may mga tao pa rin talaga ang lubos na tumutulong para sa ikakabuti ng kanilang kapwa. Maging inspirasyon nawa ang ginawang ito na pagbabahagi ni Jandale.