Isang 30 anyos na Kasambahay Nakapagtapos ng Pag-aaral Bilang isang Magna Cum Laude

Ang pag-aaral ay walang pinipiling edad basta’t may pangarap sa buhay ay hindi ito hadlang upang makamit. May isa na namang nakaka-inspire na kwento ang nag-viral ngayon sa social media dahil sa kaniyang nakamit na tagumpay sa buhay sa kabila ng marami niyang pinagdaanan.




Tunghayan natin ang kwento ng kasambahay na ito na nakapag-tapos ng pag-aaral na may natamong medalya sa buhay.

Ang kasambahay na ito ay si Grace Labradoe Bacus, siya ang nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Siyam silang magkakapatid at siya ang pangatlo. Habang nagkaka-isip si Grace nakikita niya sa sitwasyon ng kaniyang mga magulang na hindi siya kayang papag-aralin ng mga ito sa kolehiyo.

Dahil na rin sa marami silang magkakapatid at sapat lang ang kinikita ng kaniyang ama para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Kaya nung makapag-tapos siya ng high school siya ay nag-desisyon na lamang na mamasukan bilang isang kasambahay upang makapag-ipon ng pera para sa kaniyang kolehiyo. Ito ang naiisip na paraan ni Grace upang kahit papaano ay makatulong siya sa kaniyang mga magulang at mga kapatid.

Kaya sa edad na 26 na taong gulang ay bumalik siya sa pag-aaral at ito ang unang beses na siya ay magko-kolehiyo. Kumuha siya ng Bachelor of Secondary Education Major in English sa Talisay City College.

Ang kaniyang pagbabalik-aral ay hindi naging madali para sa kaniya dahil kinailangan niyang alagaan ang kaniyang bunsong kapatid. Lagi silang nagpapalitan ng araw ng pag-aalaga sa bunso nilang kapatid ng kaniyang mas nakatatandang kapatid. Kaya ito rin ang naging dahilan kung bakit minsan napipilitan siyang lumiban sa klase kaya nagpa-sasalitaan siya ng hindi maganda ng kaniyang guro.




Ayon pa sa kaniyang guro, “You’d better quit school Bacus because you don’t need a degree to take care of children”.

Nakaramdam ng sakit si Grace sa mga sinabi sa kaniya ng kaniyang guro, ngunit hindi niya ito idamdam ng tuluyan bagku’s ginamit niya itong lakas upang mas mag-pursige sa kaniyang pag-aaral upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap.

Pagbabahagi ni Grace sa kaniyang facebook, “Yes, word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I expected to understand me was the same person who broke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent.”

Ang mga salitang ito ang naging inspirasyon niya upang mas maging mabuting guro para sa kaniyang mga magiging mag-aaral, na kaniya itong tutulungan upang makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.




Si Grace ang isa sa mga magpapatunay na walang impossible sa taong determinado sa buhay. Hindi hadlang ang anumang kahirapan sa buhay upang makamit ang anumang pangarap sa buhay at sa anumang hamon ng buhay huwag itong susukuan.