Ipinagdiwang ni Anne Curtis ang ika-sampung buwan na kaarawan ng anak na si Dahlia sa Beach

Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya maibigay lang ang maganda at kumportableng buhay para sa kanilang mga anak.


Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Laging inuuna ang kapakanan ng mga anak bago ang kanilang sarili. Di baleng hindi nila mabili ang kanilang mga gusto para sa kanilang sarili dahil laging inuuna at inaalala ang mga anak.


Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Hindi nakakalimot ng mahahalaga at importanteng pangyayari sa buhay ng kanilang anak lalong-lalo na ang kaarawan ng mga ito.


Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Ginagawa ang lahat mapaghandaan lang at maging magandang ala-ala sa kanilang mga anak ang kaarawan nito.
Katulad na lamang ng kilala at hinahangaang ina ng lahat na si Anne Curtis na kung saan ay ipinagdiwang niya ang ika-sampung buwang kaarawan ng kaniyang nag-iisang anak na si Dahlia.


Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram post ang mga larawan kasama si Baby Dahlia mula sa Hayman Island noong Martes ng Enero 2 kasalukuyang taon.


Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Ang nasabing larawan ay may mensahe mula sa inang mapagmahal para sa kaniyang anak. Kasabay ng pagbati ng bagong taon ay siya ring pagbati ni Anne ng maligayang kaarawan sa kanyang anak.


Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Hiniling din niya para sa anak ang buong pusong pagmamahal at maging maganda para sa kanila ang taong ito. Kung mapapansin ninyo na hindi mga bulaklak at halaman ang background photo ni Dalhia, hindi tulad ng mga naunang photoshoot para sa kaniyang kaarawan, pero mas sinigurado parin ng aktres na may temang mga halaman sa pamamagitan ng pagsuot nilang mag-ina ng twinning swimsuits.

Pero sisiguraduhin parin ng aktres na sa araw ng kaarawan ng kaniyang anak ay maibibigay pa rin nito ang nakaugaling photoshoot na may background na mga magaganda at makukulay na mga halaman o bulaklak.


Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Tunay nga talagang walang papantay sa pagmamahal ng isang ina. Hindi magkandamayaw ang mga netizens sa litrato na ito. Nagpahatid din ang mga netizens ng kanilang pagbati sa anak ni Anne Curtis na si Dahlia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *