Ibinahagi ni Vice Ganda ang kaniyang bagong bahay na nalagyan na ng mga kagamitan at fully furnished na

Sa bawat takbo at pag-ikot ng buhay natin, sa mga mahihirap na trabaho na ating ginagawa at pinaghihirapan ay may pangarap tayong gustong mapunan. Isa na dito ang magkaroon ng sariling bahay, lupa at negosyo.

Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Kaya sa mga taong may pangarap sa buhay, ay hindi alintana ang hirap ng trabaho makuha at makamtan lang ang gusto.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Isa na nga rito ang kinagigiliwan nating host ng noon time show ng Kapamilya Network na “It’s Showtime” at isang komedyante na si Vice Ganda na kung saan ay ipinakita at ibinahagi sa publiko ang naging bunga ng kanyang pinaghirapan.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram
Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Sa pagpapakita sa kanyang mga fans ng bagong bahay ay kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Negi, Orle, at Kitty.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Saad ni Vice sa kanyang Vlog, na nais niyang ibahagi sa mga matatalik na kaibigan ang naging achievements niya kung kaya isinama niya ang mga ito sa pag-iikot sa bago nitong tahanan.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Dati nang ipinakita ni Vice ang kanyang bahay, pero hindi pa ito maayos, ngunit sa ngayon ay masasabi na niya na pwede na itong lipatan at tirahan.

Sa pag-iikot sa kanyang bahay ay ipinakita ni Vice Ganda ang sala, hapag-kainan at marami pang iba. Ipinakita din niya ang mga dekorasyon at samo’t saring art works.

Ang nasabing tour sa kanyang bahay ay hindi pa tapos, dahil hindi pa niya naipapakita ang walk-in closet at master’s bedroom na ating matutunghayahan sa susunod niyang vlog.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Makikita sa Twitter post ni Vice Ganda na pinasasalamatan niya ang kanyang mga tagasuporta, sa Madlang People at mga Little Ponies, sa kanilang pagmamahal sa komedyante at sa suporta na matulungang makamit ang kaniyang mga pinapangarap.

Lubos din ang pasasalamat ni Vice sa Panginoon sa paggabay sa kanya na makamit ang minimithing magandang pangarap para sa buhay, hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.


Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Umani ng isang katutak na positibong komento galing sa mga netizens ang nasabing Vlog ni Vice tungkol sa kanyang bahay na kanya naman ikinagalak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *