Ibinahagi ni Roxanne Barcelo na siya ay nagdadalang-tao na sa kaniyang first baby

Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam ng pagiging isang ina at ng kaniyang asawa ang magkaroon ng bagong biyaya sa buhay o pagdating ng bagong miyembro sa pamilya. Bagong sanggol sa pamilya na siyang mas lalong magbibigay ng kaligayahan sa pagsasama ng mag-asawa.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Instagram

Kamakailan lamang, ay ikinasal ang kapuso star na si Anne Roxanne Jordan Barcelo sa kaniyang non-showbiz boyfriend. Hindi ang pandemya ang magiging dahilan upang hindi magkaroon ng kasalan.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Instagram


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Instagram

Kahit na ang ating mundo ay may kinakaharap na pagsubok ay nagawa pa rin nina Roxanne Barcelo at ng kaniyang kasintahan na ipagbuklod o pag-isahin ng tao sa harapan ng Diyos ang kanilang mga sarili.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Instagram

Ang masayang nangyari sa kanilang buhay ay ibinahagi niya sa pamamagitan ng kaniyang pagvlog sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay noong Huwebes ng Disyembre 24 ng nakalipas na taon.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Instagram

Isinaad ng aktres na dalawang beses siyang niyayang pakasalan ng kaniyang boyfriend, mga ilang buwan pagkatapos ng quarantine at dahil nga lockdown ay naghintay sila.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Youtube

Dahil dito ay naniwala ang aktres sa kasabihan na kung alam niyo na sa mga sarili niyo na kayo talaga para sa isa’t-isa, kahit anong pagsubok at gaano pa katagal ang paghihintay sa huli kayo pa rin ang itatadhana. Ika nga, sulit ang paghihintay.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Youtube

Ang masayang balita at pangyayari sa kaniya noong taong 2020 ay nasundan na naman ng i-anunsyo ng aktres sa kaniyang YouTube vlog ang isang nakakagulat na balita noong Huwebes ng Enero 21 taong kasalukuyan na siya ay nagdadalang-tao sa kaniyang unang anak.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Youtube

Isinalaysay ng aktres sa kaniyang YouTube vlog kung paano niya ibinalita sa kaniyang pamilya na siya ay buntis. Isinaad niya rito na ang kaniyang kapatid na lalaki na si Timmy ay nais gumawa ng isang brioche buns sa kanilang bahay na kung saan ay matapos nilang ilagay sa oven ang kanilang ginawang buns ay dito ginulat ni Roxanne ang kaniyang pamilya na kung saan ay sinabi niyang siya ay nagdadalang tao.


Image courtesy: Roxanne Barcelo/Instagram

Lubos ang pasasalamat ni Roxanne sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta sa walang sawang pagsubaybay at pagbibigay ng suporta sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *