Ibinahagi ni Rodjun Cruz ang kanilang masayang bonding moment kasama ang napakacute niyang anak na si Joaquin

Wala ng mas sasaya pa sa nararamdan ng isang mag-asawa ang makita at makasamang lumalaki ang kanilang anak. Ang isa sa mga layunin at tungkulin ng isang magulang ay masubaybayang lumalaki ang kanilang anak.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Yung ayaw nilang lumipas ang isang araw na hindi nila nakikita at nakakasama ang kanilang anak, yung halos gustong masubaybayan ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay ng kanilang anak.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Minsan may mga magulang pa na nagkakaroon ng isang journal upang itala dito ang lahat ng nangyari at ginawa ng kanilang anak. Malaki din ang ginagampanang papel ng isang anak sa buhay mag-asawa o sa isang pamilya.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Sila ang nagbibigay sa mga ito ng saya at makulay na mundo at nagtatanggal ng pagod sa maghapong trabaho ng kanilang mga magulang.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Pero minsan, hinihiling ng mga magulang na huwag munang bilisan ng kanilang mga anak ang kanilang paglaki. Katulad na lamang ng kilala nating aktres na si Dianne Medina, asawa ni Rodjun Cruz na kamakailan lamang ay isinilang niya ang kanilang panganay na anak na si baby Joaquin.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Sa post na larawan ni Rodjun sa kaniyang Instagram account ay talaga namang makikita ang labis-labis na pagmamahal ang natatanggap ni Baby Joaquin mula sa kanyang ama at ina.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Noon lamang Hunyo 21 ay nagkaroon ng gender reveal ang mag-asawa kasama ang kanilang pamilya at mga matatalik na kaibigan, na para kay Rodjun ay talagang ramdam niya na agad na lalaki ang kanilang baby, ngunit dahil sa kakaibang taglay na ipinakikita ni Dianne ay naisip din niya na baka ito ay babae.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Ipinanganak si baby Joaquin noong Setyembre 10 sa St. Luke’s Medical Center, at dahil dito ay lubos ang pasasalamat ng mag-asawa at walang hanggang kaligayahan ang kanilang naramdaman. Ikinasal sina Dianne at Rodjun noong Disyembre 21, 2019 sa Manila Cathedral.


Image courtesy: Rodjun Cruz/Instagram

Pinuri ng mga netizens ang mag asawa dahil sa kanilang walang hanggang pagmamahal sa kanilang anak na si Joaquin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *