Ibinahagi ni Nico Bolzico ang 12 pangako para sa kanyang anak na si Thylane para sa 1st Birthday nito

Isa sa mga araw na pinaghahandaan ng mga magulang ay ang kaarawan ng kanilang anak. Lalo kung ito ang kauna-unahang beses na magdiriwang ito ng kanyang kaarawan.


Image courtesy: Nico Bolzico/Instagram

Kung kaya ang magulang nito ay madaming bagay ang ginagawa upang maging memorable ang araw na ito.

Tulad na lamang ng kilalang businessman na si Nico Bolzico na asawa ni Solenn Heussaff na nagawa pang gumawa ng sulat para sa kanyang anak na si Thylane.


Image courtesy: Nico Bolzico/Instagram

Si Nico ay kilalang businessman at siya ay presidente ng kompanyang tinatawag na LM10. Ang pangalan ng kanyang kompanya ay hango sa pinakasikat na fooball player na si Lionel Messi at ng kanyang numero.


Image courtesy: Nico Bolzico/Instagram

Siya ay tubong Argentina ngunit napamahal na sa Pilipinas nang manatili ito ng mahigit kumulang 8 taon. Ang asawa ni Nico ay isang napakaganda at kilalang artista, modelo, Vlogger at marami pang ibang kakayahan na si Solenn Heussaff.


Image courtesy: Solenn Heusaff/Instagram

Matapos silang ikasal noong 2016 ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ipinanganak ni Solenn ang napakacute at napakagandang batang babae na si Thylane Katana Bolzico.

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng pinakaunang kaarawan ang anak nina Solenn at Nico na si Thylane.


Image courtesy: Solenn Heusaff/Instagram

Nagbahagi ng madaming napakacute na family moments si Nico sa kanyang social media account at kasama nito ang isang nakakaantig pusong mensahe para sa kanyang anak.

Ang mesahe na ito ni Nico ay binubuo ng 12 pangako niya para sa kanyang anak na si Thylane.


Image courtesy: Solenn Heusaff/Instagram

Saad ni Nico sa kanyang sulat na ang kanyang anak ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay niya kung kaya meron siyang 12 pangako na habang buhay niyang tutuparin.


Image courtesy: Solenn Heusaff/Instagram

-Una, mamahalin niya ang kanyang anak ng walang kapantay.

-Pangalawa ay lagi niyang gugugulin ang unang 2 oras nito kasama si Thylane at nasa kanyang anak na mismo kung gusto nito or ayaw.

-Pangatlo, lagi nandyan umano si Nico sa mga mahahalagang kaganapan sa buhay ng kanyang anak.

-Pang-apat, tuturuan umano niya ang kanyang anak kung paano makitungo ng maayos sa tao at gagawin niya ito sa pagiging isang magandang modelo.

-Pang-Lima, mamahalin at rerespetuhin umano ni Nico na walang hanggan ang kanyang asawa na si Solenn.

-Pang-anim, hindi siya gagawa ng bagay na ikakadismaya ng kanyang anak.

-Pang-pito, suportado umano ni Nico ang mga bagay na gustong tahakin ng kanyang anak.

-Pang-walo, Tulad ng ibang magulang ay hindi nila magagawang magsinungaling sa kanyang anak na si Thylane.

-Pang-siyam, Lagi makikipagkwentuhan umano si Nico sa kanyang anak ng mga makabuluhang bagay kung gusto nito.

-Pang-sampu, kagaya ng ibang ama, lagi din niya ipapa-alala sa kanyang anak kung gaano siya kamahal ng kanyang ina na si Solenn.

At pang labing-isa, susubukan umano niya bilang ama na huwag tutulan ang mga lalaki na sakali gustong manligaw at dalhin ng kanilang anak sa kanilang bahay.


Image courtesy: Solenn Heusaff/Instagram


Image courtesy: Nico Bolzico/Instagram

Dagdag pa ni Nico na ang mga pangako na ito ay mas lalo pang dadami sa pagtanda ng kanilang anak ni Solenn. Umani ito ng mga positibong reaksyon galing sa mga netizens at madami ang kinilig at naantig sa ginawa na ito ni Nico.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *